Nais lang naman ni Nanay na ako ay mapag-aral
umangat ng kaunti ang naghihikahos naming pamumuhay
makabayad sa lahat ng aming pagkakautang
kaya kahit hindi niya kagustuhan kami ni Ama ay iniwan.Mag-aalaga ng batang hindi niya kadugo.
Magpapa-katulong doon sa malayo.
Ayaw sana namin kay Ina ay mapalayo,
ngunit wala kaming nagawa kundi ang tumango.Bawat sandali telepono ang aming hawak.
Nananabik kaming si Nanay ay makausap.
Ngunit ilang buwan muna ang matuling lumipas,
bago kami kay Ina nakatanggap ng tawag.Ina, kumusta ka na? Tanong kong may kasamang pagluha.
Nanabik akong ikaw ay muling makita.
Anak, kayo sa akin huwag mag-alala,
nais ko lamang marinig tinig niyong mag-ama.Tawag ni Ina hindi na muling naulit pa,
Kaya kami ni Ama 'di mapakali sa pag-aalala.
Anak, dito ay iiwan muna kita, paalam ni Ama.
Kailangan kong malaman kalagayan ng iyong Ina.Dalawang buwan na ngunit si Ama'y wala pa,
patuloy akong umaasa sa pagdating niya,
Dalawang buwan naging tatlo na,
kaya't pag-aalala ko'y lalong lumala.Sa bawat sandali ako'y nagdarasal,
lumuluha't nakiiusap sa Maykapal.
Na iligtas niya sa kapahamakan,
ang mahal kong mga Magulang.Isang araw sa tapat ng bahay may pumarada,
isang jeep na sakay si Ama at may mga kasama.
Sa sasakyan mayroon silang ibinaba,
isang puting kahon na mahaba.Si Ama sa akin yumakap ng mahigpit,
ngayon ko lamang siya nakitang tumatangis,
kaya't tibok ng puso ko ay bumilis,
laman ng kahon nais kong masilip.Ang kahon ay aming nilapitan,
at dahan-dahan ito ni Ama ay binuksan.
Mga luha sa mata ko'y biglang naglaglagan,
ng tumambad sa aking harapan ang laman.Nais kong magwala at sumigaw,
ngunit buong katawan ko'y hindi maigalaw.
Hindi ko matanggap aking nasisilayan,
ang katawan ni Ina na wala ng buhay.
BINABASA MO ANG
POETRY
ŞiirTula Koleksyon ng mga Emosyon Likha ni: 25_Summer malayang pagbahagi ng mga halo-halong emosyon na binuo ng mga salita't titik at naging isang Tula. Ang pangongopya sa gawa ng iba sa kahit anong paraan ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas. Malaya k...