HATAW

159 11 13
                                    

(Para sa mga nakaranas ng pang-aabuso mula sa sariling magulang. Totoong mahirap maintindihan kung bakit nila ito nagagawa.. ngunit lagi niyong na lang isipin, may Diyos na nandiyan para ikaw'y sagipin!)

Tama na Ama! Suntok mo ay 'di na kayang saluhin pa,
ng katawan kong hinang-hina na,
mula sa bugbog mo na tila wala nang bukas pa!

Tama na Ina! Sa walang sawa mong sampal at sabunot.
Sa mga sipang nagbibigay bangungot,
sa katawan kong tanging nadarama'y kirot.

Hindi ko maintindihan!

Hindi ko maunawaan!

Bakit ko ito kailangang Pagdaanan?

Ama, kung hindi mo kayang ibigay,
ang hinihiling kong pagmamahal,
ayos lang, 'wag mo lamang akong saktan!

Ina, kung ayaw mo akong arugain,
o kahit bigyan ng kapiranggot na pagtingin,
ayos lang, 'wag mo lamang akong hambalusin!

Hataw roon, hataw rito, hataw kahit saan.
Katawan ko'y hindi na maigalaw,
sa mga hataw ninyo'ng walang humpay!

Namamagang mukha mula sa suntok ni ama.
Mga butong bali mula sa mga tadyak ni ina.
Tanong ko, ito'y kulang pa ba para mahalin nila?

Puso ko'y durog na durog na.
Sa hapdi at kirot na aking nakuha.
Mula sa mga kamay na hindi kilala ang awa.

Kung kamatayan ko ang nais ninyo.
Ibibigay ko ito ng buong puso,
kung iyon ang magiging dahilan upang mahalin ninyo ako.

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon