ULAN

611 28 34
                                    

Ulan ay dumating,
sa pusong nahihimbing.
Binulabog 'man'din,
isipan ko't damdamin.

Tuluyang sumabay,
sa bawat patak na taglay.
Tuwa't galak ang naramdaman
at pumuno sa katauhan.

Sa kaniyang pagbuhos,
kasiyahan ay tila 'di maubos,
tuluyang nilunod,
ng ligaya't lugod.

Ngunit kaakibat ng ulan,
ang hanging walang humpay.
Puso kong puno ng kasiyahan,
pangamba ang sumabukay.

Sapagkat ulan ay napalitan,
ng bagyong 'di inaasahan.
'Di man lamang napaghandaan,
pagkawasak ng kaligayahan.

Tila kulog na umalingawngaw,
ang sakit na naramdaman.
Tuwa ay napalitan,
takot ang nangibabaw.

Kasing bilis ng kidlat,
ang hapding nalasap.
Dahil sa isang iglap,
naglaho ang lahat.

Kaya't sa muli niyang pagdating,
'di na kailanman susuungin,
ng hindi na muling kamtin,
sinapit yaring damdamin.

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon