POOT, GALIT AT TIKIS

344 15 5
                                    

Bakit pa iniluwal,
sa mundong ibabaw?
Kung laging sinasakal,
ng pasakit araw-araw?

'Di ko naman ninais,
na kamtan ang pait.
Ngunit bakit nahahapis,
sa tadhanang kay lupit?

Ang hinahon ko'y nilamon,
ng poot na pumaroon,
sa pusong hinamon,
ng galit na mapurol.

Pamilyang naturingan,
'di ka 'man lang matulungan.
Bagkus sila pa ang nagbibigay,
ng galit at ng lumbay.

Puso ko'y sumisigaw,
sa tikis na taglay.
Damdamin ko'y uhaw,
sa pag-asang hinihintay.

Luha ko ay kaypait,
kalayaan ang aking ibig.
Sa buhay na nangagkasalit,
damdamin tuluyang nanlamig.

Ngayon, aking dinidibdib,
ang galit na bumulid.
At tunay na lumupig,
sa kaligayahan at pag-ibig.

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon