PATAWAD, MAHAL KO

363 18 8
                                    


Umibig sa iyo'y kasalanan ba? Mahalin ka'y pagkakamali ba?
Kung sagot mo ay "tama ka",
ipagpatawad mo na lamang sinta.

Laitin mo man sa harap ng iba,
'di pa rin magbabago ang nadarama.
Maghihintay pa rin sa'yo sinta,
hanggang sa aking makakaya.

Puso ko man ay nasasaktan mo,
ikaw pa rin ang tanging laman nito.
Walang papalit na kahit sino,
nag-iisa ka lamang sa Buhay ko.

Ipagpapatuloy pagmamahal ko,
kahit mundo man tawanan ako.
Dahil kung iiwanan ka ng mahal mo,
nandirito ako at sa iyo ay sasalo.

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon