SAAN AKO TUTUNGO?

329 18 7
                                    

Sa mga oras na tila nag-iisa,
at hindi nauunawaan ng iba,
bagkus ay kukutyain pa,
kanino pa nga ba pupunta?

Sa panahong lugmok na lugmok,
ang pusong napuno ng lungkot,
dahil sa mga suliranin at pagsubok,
sinong papawi ng nadaramang takot?

Pakiramdam ay tila napaglaruan,
dinaya at sinaktan,
pinaasa sa konting kasiyahan,
kapagdaka'y binawi lamang.

Luha'y hindi mapigilan,
sa sakit na nararamdaman,
isipan ay napuno ng mga katanungan,
ngunit walang sagot na natagpuan.

Ngunit kanino pupunta?
At saan pa nga ba tutungo?
Kung hindi sila, hindi siya, hindi ikaw, at hindi kayo,
ang papawi ng hapding nadarama ng puso?

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon