IKAW ANG DAHILAN

92 3 3
                                        

Ikaw ang talang laging nagbabantay sa pagtulog kong mahimbing...

Ikaw ang buwan na nagbibigay liwanag sa bawat gabing madilim.

Na umaakay sa puso ko patungo sa tamang landas na tatahakin.

Pag-ibig mo sa akin ay tulad ng hangin..

Hindi ako mabubuhay ng wala ka sa akin.

At ikaw ang natatanging dahilan bakit sa umaga ay nais ko pang gumising.

Mundo ko'y sumaya mula ng ikaw'y dumating.

Ikaw ang rosas na tumubo sa tinikan kong damdamin.

Ikaw ang pumipigil sa takot ko sa mga alon ng suliranin.

Pag-ibig mo, hatid ay kapayapaan sa mundong puno ng lagim.

Ngunit pag-ibig mo ngayon biglang nawalay...

Dating talang nagniningning biglang naglamlam...

Kapanatagang hatid napalitan ng kabalisaan.

Liwanag ng buwan natakpan ng mga ulap na makakapal.

Kaya mga daan ko'y nagdilim at sa landas ay naligaw.

Hangin ng pag-ibig mo'y unti-unti akong sinakal...

Lason na ang hatid sa pusong umasa ng wagas na pagmamahal.

Ngayon wala ng dahilan para gumising pagsapit ng bukang liwayway.

Tanging nais ay tumigil ang paghinga't tuluyan ng humimlay.

Wala na, wala na ang pangarap kong pag-ibig na panghabang buhay.

Ikaw ang pumigil sa paghinga ko sa araw-araw.

Iniwan mo ako sa karimlan ng luhaan at sugatan.

Dahil sa'yo ilaw ng mundo ko'y tuluyan ng namatay.

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon