SA ISANG IGLAP

268 17 5
                                    

Tunay nga na ang buhay ay maikli lamang.
Darating ang panahong hininga natin ay mapaparam.
Sa isang iglap lakas ng katawan ay babawiin,
linaw ng mata ay kukunin.
Tinig ay hihina rin hanggang sa makaririnig na lamang ay hangin.

Masakit mang tanggapin.
Mahirap mang unawain.
Ang katotohanan na bawat isa sa atin,
ang buhay dito sa mundo ay lilipas din.
Hubad tayong dito ay dumating,
hubad din natin itong lilisanin.

At ang tanging maiiwan na lamang ay ala-ala,
pangit man ito o maganda,
ngunit isa lamang ang tunay na mahalaga,
ang ala-alang ito'y magdudulot ng kaunting saya,
sa mga pusong tanging nadarama ay pagdurusa.

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon