MAHAL KITA, AKING INA

207 11 10
                                    

(Sa lahat ng hindi malapit sa kanilang Ina ngunit naghahangad ng pagmamahal at pagtanggap sa kanila, baka maka-relate ka dito!)

Maraming katanungan sa isipan ko'y gumugulo,
bakit nga ba ganito mo ako itrato,
anak nga ba ang sa'kin ay turing mo,
o ako, sa iyo'y ibang tao?

Laging binibigkas ng labi mo,
na ako'y minamahal mo,
ngunit bakit hindi iyon,
ang nadarama ng aking puso?

Sa mga oras na kalinga mo'y kailangan ko,
nasaan ka o ina'y, bakit wala ka sa tabi ko?
ni hindi ko mahawakan ang dulo ng daliri mo,
kahit isang dangkal lamang ang sa'kin ay layo mo.

Pinipilit kong unawain ang lahat ng ito,
marahil abala ka, kaya 'di mo pansin ang tulad ko.
Mahal na mahal kita o nanay ko,
'yan ay tapat at galing sa'king puso.

Ang nais ko lamang ay mahalin mo ako,
sa kung sino at anong mayroon ako.
Ina, huwag mong hayaang tuluyang mapalayo,
at masanay na nag-iisa ang aking puso.

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon