Ano bang mayroon ka, na wala sa akin?

14 1 2
                                    

Mayroon kang pamilya't tahanan.
Habang ako, sa lansangan nagkamalay.

Mayroon kang nanay na sa pagtulog mo ika'y inaawitan.
Habang ako, pagkasilang ay iniwan.

Mayroon kang ama na sa iyo'y laging nagtatanggol.
Habang ako, pinabayaan niya mula pa ng sanggol.

Lumaki kang hindi nagbabanat ng buto.
Habang ako, para makakain ay kailangan magtrabaho.

May magagara kang damit, sapatos at laruan.
Habang ako, namuhay ng salat at puno ng kahirapan.

Nakapag-aaral ka sa magandang paaralan.
Habang ako, sa kalye natutong magbasa, sumulat at magbilang.

Nakakain ka ng masasarap at mamahalin.
Habang ako, namumulot sa basurahan para may makain.

Nakatutulog ka sa malambot mong kama ng mahimbing.
Habang ako, nilalamig at nilalamok sa sementong walang sapin.

Lahat ng mayroon ka...
Ay wala sa akin.

Ngunit sa kabila ng lahat ng karangyaan iyong nararanasan...
Bakit napariwara pa rin ang iyong buhay?

Natuto kang magsugal, magdroga't maglasing.
Madaling araw na rin kung ikaw ay dumating.

Sinasagot mo na rin ang nanay mong napuyat kahihintay sa iyong pagdating.
Pati ang mga pangaral ng iyong ama hindi mo na pinapansin.

Natuto kang magdabog at manigaw ng walang dahilan.
Sagot mo nga lagi sa kanila'y pabalang.

Naaatim mo na ring makita ang mga magulang mong umiiyak.
Walang kang pakialam kahit mga puso nila'y mawasak.

Batid mo ba kung gaano ko ninanais na maging ikaw?
Na maranasan ko man lamang ang buhay mo kahit isang araw?

Na may matawag akong nanay tuwing ako'y nahihirapan?
Kahit ang nanay na mapunta sa akin ay laging naninigaw.

Ang may matawag na tatay tuwing sa akin ay may umaaway?
Kahit ang tatay na mapunta sa akin ay lasenggero at tambay.

Araw-araw akong nanalangin, na sana kahilingan ko ay dinggin.
Na minsan maranasan ko ang pamilyang pinagkait sa akin.

Ang maranasan ang buhay na mayroon ka.
Ang magkaroon ng mga magulang na hindi mo binibigyang halaga.

Ngayon, batid mo na ba kung ano ang  mayroon ka?
Na hindi sa akin napunta?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon