MAHAL PA RIN KITA

86 2 0
                                    

Tumutulo ang luha ko habang sa larawan mo'y nakatitig
Na kahit pumikit mukha mo ang sa isip ko'y nakapagkit
Hindi ko maintindihan ang aking sinapit
Tanging ginawa ko lamang naman ay sa iyo'y umibig

Ipinagkatiwala naman sa iyo ang lahat
At nangako ka sa akin na magiging tapat
Ngunit bakit pag-ibig ko'y hindi pa rin naging sapat
Nagawa mo pa ring lokohin at iwanan ang puso ko ng mga sugat

Umasa ako sa pag-ibig na walang hanggan
Tulad ng palagi mong wika pagkatapos hagkan
Ngunit nilunod mo ako sa mga kasinungalingan...
Ngayon nalilito kung ano na ba ang kahulugan ng katotohanan

Nilason mo ang puso ko ng mga salita mong matatamis
Naniwalang pag-ibig mo'y tunay at labis-labis
Kaya ngayon ako'y puno ng paghihinagpis
Sa sinapit ng damdamin kong halos madurog ng labis na hapis

Ngunit sa pagitan ng paglimot at pagmamahal...
Natagpuan ko ang sarili sa gitna ng pagitan
Sa pagitan ng kakulangan ng lakas upang ikaw'y kalimutan
At sa pagitan ng paghahangad ng tuluyan kong kalayaan

Pilit kong iwinawaglit ang masasaya nating ala-ala
At turuan ang puso ko na limutin kita
Ngunit sa kabila ng bigat at hapding aking dinadala
Bumabalik ako sa katotohanang mahal pa rin kita

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon