TAMA NA ANG DRAMA!

62 4 3
                                    


Sa bintana, muli na naman akong nakadungaw.

At dinarama sa pisngi ko, ang humahalik na hanging amihan.

Inaalala ang mga panahong tayo'y masayang nagmamahalan.

Hanggang ang mga luha'y  tumulo na naman ng 'di namalayan.

Habang sinasabi sa sarili.. sana hindi kita pinakawalan.

Dahil pagmamahal ko sa iyo, patuloy kong nararamdaman.

Dito sa kalaliman ng puso kong nasasaktan.

Muli kong hiniling na sana hindi mo ako iniwan.

Ngunit sadyang pag-ibig ay puno ng kahiwagaan.

Mga pinangako mo noon, nanatili na lamang sa kawalan.

Mundo kong nag-uumapaw sa saya at puno ng iba't ibang kulay.

Ngayon napalitan ng kalungkutan at mga kulay ay pumusyaw.

Ngunit tadhana, ako'y sadyang pinaglalaruan.

Sapagkat puso kong iyong sinaktan, patuloy kang minamahal.

Patuloy na umaasang ako'y iyong babalikan.

Babawiin mga oras na lumipas at ang mga araw na nasayang.

Muli mo akong iibigin at kailanman ay 'di na iiwanan.

Ngunit isang tinig ang sa akin ay pumukaw.

Tinig ni ina, habang sumisigaw.

Tama na iyan! ihugas mo na lamang ng plato iyan.

Hindi 'man magamot ang puso mong sugatan.

Malilinis mo naman ang lababo at ang mga hugasan!

Hay! Kahit kailan talaga! Lagi na lang' panira sa pag-dradrama ko si inay.

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon