(Para sa mga kabataang naliligaw ang landas.. habang may pagkakataon pa magbago ka na.. huwag mong hayaang maging huli na ang lahat.)
Lahat naman sa iyo ay aming ibinigay.
Ngunit bakit tila mayroon pa ring kulang?
Lahat ng pangangailangan mo aming tinustusan.
Kahit ga-bundok na ang aming utang,
ayos lang makapagtapos ka lamang.
Binusog ka naman namin ng pangaral.
Dinisiplina ng may kasamang pagmamahal.
Inaaruga tuwing ikaw ay may karamdaman.
Lumuluha kami tuwing ikaw ay nasasaktan.
Ultimo kagat ng lamok ayaw ka naming padapuan.
Kaya bakit ngayon ikaw ay nagkaganiyan?
Sinira ang payak ngunit maayos mong buhay.
Sumama sa mga taong hindi kilala ang kabutihan.
Pati pag-aaral mo iyong pinabayaan.
Droga, sigarilyo't alak hindi mo hiniwalayan.
Kaya ngayon heto ka at aming tinatangisan.
O tunay nga'ng hindi namin maunawaan.
Kaya't ang sa iyo ay aming katanungan...
Anak, saan kami nagkulang?
BINABASA MO ANG
POETRY
PoesíaTula Koleksyon ng mga Emosyon Likha ni: 25_Summer malayang pagbahagi ng mga halo-halong emosyon na binuo ng mga salita't titik at naging isang Tula. Ang pangongopya sa gawa ng iba sa kahit anong paraan ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas. Malaya k...