Nasaan ka kapayapaan?
Ngayong ikaw ay kailangan,
ng tulad kong inagawan ng katahimikan,
at napuno ng galit at lumbay?Nasaan ka kapayapaan?
Ngayong pagdurusa ang hinahapunan,
ng pusong gutom sa kaligayahan,
at uhaw sa unawa't pagmamahal?Kapayapaan, kapayapaan,
bakit mo ako iniwan?
Sa kadilimang kinatatakutan,
at sa pangambang walang humpay?Kapayapaan, kapayapaan,
ikaw ang nais makamtan.
Palitan mo ng kapanatagan,
ang puso kong napuno ng Kabalisaan.
BINABASA MO ANG
POETRY
PoetryTula Koleksyon ng mga Emosyon Likha ni: 25_Summer malayang pagbahagi ng mga halo-halong emosyon na binuo ng mga salita't titik at naging isang Tula. Ang pangongopya sa gawa ng iba sa kahit anong paraan ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas. Malaya k...