PAALAM, ITAY

274 18 19
                                    

Ang tangi kong nalalaman,
narito ka.
Lagi mo akong sasamahan,
sa bawat kabiguan at tagumpay.

Ikaw ang laging nagliligtas,
sa bawat kahihiyang dinaranas.
At siyang aking kalasag,
sa bawat suliraning nakahatag.

Pag-ibig mo'y walang katulad,
sa akin iyong inilahad.
Kawangis ka ng Diyos sa itaas,
na ating tagapagligtas.

Haligi ka ng ating tahanan,
kanlungan sa bawat kabiguan,
kasama sa bawat kasiyahan,
karamay sa bawat kalungkutan.

Ngunit sa'yong paglisan,
tahanan namin ay bumigay.
Buhay tila nawalan ng saysay,
'di matanggap iyong pang-iiwan.

Kalungkutan ang pumuno,
dito sa aking puso.
'Di alam paano tatayo,
sa pasakit na natamo.

Ita'y kung nalalaman mo,
ang sakit ng pagkawala mo.
'Di matanggap ng pagkatao,
ang hapdi ng pagpanaw mo.

Tiyak na hahanapin ko,
bawat paglalambing mo.
At tunay na pananabikan ko,
yakap at pag-aalaga mo.

Ngunit dito sa aking puso,
mananatili ang ala-ala mo,
hindi kalilimutan ito,
kaakibat sa paglakad ko.

At aking pinapangako,
kailanman ay 'di susuko.
Tutupdin ang pangaral mo,
para sa ikauunlad ko.

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon