SALAMAT, INA

284 18 6
                                    

Isang pasasalamat aking inaalay,
sa iyo Ina, na sa akin ay nagbigay buhay,
at sa aking mundo'y nagbigay kulay.

Siyam na buwan sa iyong sinapupunan,
panganib ang dala sa iyong buhay,
ngunit ito ay hindi mo inalintana 'man lang.

Hindi mo man batid ang kahihinatnan,
buhay mo'y patuloy na isinaalang-alang,
mailabas lamang ako sa mundong ibabaw.

Ngunit sa aking paglaki,
hirap at pasakit ang ginanti,
sa pag-ibig mo at pagkandili.

Hindi ko man 'lang iniintindi,
pangaral na laging sinasabi,
Sa halip ito'y aking isinantabi.

Ngunit 'di mo inalintana,
bunso mo na anong samá,
at sa halip, minahal mo pa nga.

Kaya ngayon ay lumuluha,
ang pusong tila natulala,
sa pagkakatanto ng salang nagawa.

Ina, ako nawa'y patawarin,
sa lahat ng masamang gawain,
pangako ito'y 'di na muling gagawin.

At kailanman ay 'di na paluluhain,
ng walang kwenta ko'ng damdamin,
ang puso mong mahabagin.

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon