Chapter 9

46 6 0
                                    

Jimin's POV

Habang kumakain kami biglang nagsalita si Jin hyung.


Tinatanong kung bakit kami tahimik.


Ako nga din eh. Hindi ko alam kung bakit ang tahimik namin. Ang tahimik ko.


Nawala kasi ako sa mood eh.


Dahil siguro sa damit ni Claire kanina.


Saka pansin ko lang, iba na damit nya ngayon. Iba na suot nya.


Pero wala na sakin yun. Wala na akong pake kung gusto nyang suotin yung damit na yun. Gusto nya yun eh. Anong magagawa ko?


Sadyang hindi lang talaga bumalik yung mood ko.


Saka pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayon. Kaya hindi ako gaanong nagkukulit at nagsasalita.


Kaya nung tinanong kami ni Jin hyung bigla kaming napatingin sa bawat isa.


Patay.


Mukhang nakakaamoy tong si Jin hyung na parang may problema saamin.


"Wala naman hyung. Bakit?" Tanong ni Jungkook.


"Wala lang. Napansin ko kasi na parang ang tahimik nyo. Lalo ka na Jimin. Nakakapanibago." Sabi nya.


Biglang tumingin sakin si Jin hyung.


Yung tingin nya na parang nagsasabi na "ano-wala-ka-bang-sasabihin-samin??".


"Ahhmm.... pagod lang kasi ako saka wala akong gana magharot ngayon. Ayaw nyo nun?? Tahimik tayo ngayon." Sabi ko sabay ngiti.


Napangiti na lang din sila tapos pinagpatuloy ang pagkain.


Pero ngayon wala ka nang mararamdaman na parang may awkward moment.


Hindi katulad kanina.


Oo nga noh. Ngayon ko lang din napansin. Ang tahimik pala namin lalo na si Taehyung.


Kadalasan kasi tuwing kumakain kami ang ingay ingay nyan. Umiiral yung pagka-abnormal nya.


Siguro nahihiya kay Claire. Hahahahahaha


Saka pansin ko lang, magkatabi pala sila..... kaya pala hindi mapakali si Taehyung sa inuupuan nya eh.


Hiya-hiya pa tong abnormal na to. Daming alam. Bigwasan ko yan eeh. Hahahahahahahaha.


Natapos na kaming kumain.


Bigla kaming nagtinginan ng mga tulok na to. Parang sinasabi nila na ako yung maghuhugas.



Manigas sila dyan!! Ayoko nga maghugas!! Matutulog na ako!!


"Hoy!!Hoy!! Hoy!! Ano yang mga tingin na yan??" Tanong ko sakanila sabay tayo.


"Ikaw maghugas ng mga plato" sabi nilang anim. Except si Claire kasi sya nananahimik lang.


Bigla namang tumayo si Claire.


"A-ako na. Ako na maghuhugas ng mga plato" sabi nya sabay kuha ng mga pinagkainan namin.


"Ay!! Hindi ako na." Sabi ko.


"Hindi ako na. Para may maitulong naman ako dito. Nakakahiya kasi eh." Sabi nya.


"Hayaan mo na si Jimin dyan. Kaya naman nya yan." Sabi ni Suga hyung.


Since He Noticed Me (BTS FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon