*Unedit
***
{Claire's POV}
Nagsisisi ako kung bakit nakilala ako ni Taehyung. Naasar ako sa thought na gusto niya ako. Nagagalit ako sa sarili ko kasi pati ibang tao dinadamay ko dito sa problema ko. Tangina. Paano ko ba ito ma-eexpress? Paano ko ba to mailalabas? Paano ko ba to ma-eexplain? Ang hirap naman ng sitwasyon. Sobrang hirap.
Gusto kong magtatalon sa tuwa nung sabihin niyang gusto niya ako. Siyempre naman, sino bang hindi matutuwa dun na gusto ka ng taong gusto mo? At ang malala pa idol pa ang nagkagusto sakin. Edi syempre mag papafiesta ka na kasi nga naman, bigatin, shet ang ganda ko para mag kagusto sakin si Taehyung. Kaso naisip ko yung mga fans niya na katulad ko, pinapangarap din siya. Pinapangrap na someday pakasalan siya ng bias niya. Pinapangarap na someday magiging future Mrs. Blabla siya. Pinapangarap na someday siya yung nag iisang babae na habangbuhay kasama ng bias niya.Pinapangarap na someday ipapakilala siya sa buong mundo ng bias niya bilang isang babae na nagpapatibok ng puso nito. (Hmm... tama ako diba?)
Ang dami namin, ang daming ako. Ang daming katulad ko. Alam ko naman na kahit anong gawin ng mga fans na katulad ko, meron pa rin na nag iisang babae ang mapapansin at mamahalin ng bias natin. Iisa lang kaya wala tayong magagawa dun. Lucky girl.
Hindi ko lubos maisip na pag sinagot ko si Taehyung, i mean kapag pinayagan ko siyang manligaw sakin, malaki ang posibilidad na malaman yun ng mga fans. Halos pag-dumi na nga lang ng idol nila halos alam nila kung anong oras eh, nalalaman nila. Pano pa kaya kung yung may nililigawan na yung idol nila? Madaming klase ng fans sa buong mundo. Meron 6 katangian yan.
The Normal Fans (mga normal na pamaypay. Jowk haha) - dito mo makikita yung fan na sakto lang. Nakangiti lang pag nanunuod ng mga videos ng idol nila. Minsan pag sinabing nuod lang, nuod lang talaga. Tahimik lang ba kumbaga. Tapos kikiligin sa mga pictures at kanta. Ganyan lang ang normal.
The Alien Fans (Ang mga alien na pamaypay XD haha) -dito yung mga fans na pag nanuod ng videos kung ano anong salita ang lumalabas sa bibig nila katulad ng "ene be yen" "kengene nemen Nemjeen" "kenekeleg nemen eke seye Jemen" mga ganun ba. Yung lahat ng vowels nila ay letter e. Tapos puro tili at talon ang ginagawa pag nanunuod ng video ng bias nila.
The Emotional Fans (Ang madramang pamaypay haha) -ito yung taong pag narinig yung senti songs ng idol nila biglang tatahimik at dadamdamin yung kanta at biglang iiyak. Pag nakitang umiyak ang idol nila, iiyak din sila. Pag nakita naman na masaya, mas masaya pa sila.
The Warfreak/Imma Fans (ang mga palaaway na pamaypay haha echos lang) -dito mo maeencounter yung mga fans na mahilig sa away. Hindi naman sa mahilig sa away, it's just like pinagtatanggol lang nila yung idol nila in a nonsense way. Kumbaga putak lang ng putak pero hindi naman alam kung ano ang mga pinagsasabi. May makita lang na kung ano ibabash agad nila. Di uso patience at pag papasensya sakanila.
The Assuming Fans (Ang assumerang pamaypay chos haha) -dito yung mga fans na grabe kung mag assuming. Asawa si ganito, asawa si ganyan. Lahat asawa niya. Pero iisa lang talaga ang taong nag iisa sa puso niya, yun ay ang bias niya.
The Obsess Fans (Ang baliw na pamaypay haha jowk) -dito yung mga pag may nabalitaan na kung anong dating rumor mag su-suicide na lang bigla. Mag lalaslas ba. Mga obsess. Selfish din ang mga ito dahil gusto nila na sakanila lang ang idol nila. Ay sakanila, kabwisit diba?
So alam niyo na? Kaya ayokong payagan si Taehyung kasi may mga fans na ganyang katulad sa mga nabasa ninyo. Ayoko naman na may mamatay dahil lang sakin no. Buong buhay akong kukulitin ng konsensya ko no.
Kaya wala akong magawa. Wala akong maisip na paraan para makapag explain sakanya. Yes, alam ko naman na maiintindihan niya yun kasi IDOL siya eh at may mga FANS siya.
BINABASA MO ANG
Since He Noticed Me (BTS FanFic)
FanfictionFangirl💜 Sa panahon ngayon, dumadami na ang ang mga fangirl na nakakalat sa buong mundo. Kainis, inaagawan pa ako ng asawa😖🙍Pero ang totoo, ako talaga ang legal at nagiisang asawa ng mga baby ko😁😍 Naranasan niyo na ba na ma-team bahay?😭Leik wh...