Chapter 28

13 2 1
                                    

Erika's POV

[Now playing: Get to know you - Jai Waetford]

"Ano gusto mong order?" Tanong niya.

Pisti. Pano ba itago yung kilig? Kasi literal na kinikilig ako habang nasa harap ko siya.

"A-ano.. a-ahm.. caramel frappe na lang s-saka choco strawberry cake" nauutal kong sabi at bahagyang yumuko para ngumiti.

Pwede patili? Iiiiiiiih! Yung tingin niya sakin! Hype na yan! Kinuha ko naman yung panyo ko na nasa bulsa ko at tinakpan yung bibig ko para di niya makita na nakangiti ako.

"Ah sige. Ganun na lang din order ko" saka niya tinawag yung waiter at sinabi yung order namin.

Bigla naman siyang natahimik kaya napa angat ako ng tingin. Awkward.

Pag angat ko ng tingin nakita ko na nakatingin siya sakin habang nakangiti na parang na aamaze siya sa kinikilos ko.

Eh? Ano meron?

Napayuko na lang ulit ako dahil feel ko nangangamatis yung mukha ko sa sobrang pula. Knowing that Jungkook is staring at me af.

"Uy! Okay ka lang ba?" Sabay hawak sa kamay ko.

Nanlaki naman yung mata ko at tinignan yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Inalis niya naman yun "Sorry" sabi niya.

"Oo nga. Ba't pa ulit ulit? Haha. Naka unli ka no?" Tanong ko habang ngumingiti ng parang ewan dahil sa thought na for the first time! Nahawakan ko na din kamay niya! Alam niyo yun? Wala kaming skin contact dati pa! As in never! Kahit magdikit man lang yung braso namin! Never talaga!

Tapos ngayon? Hinawakan niya kamay ko? Grabe lang! Omyghad!

"Ba't mo ba natanong kung okay lang ba ako?" Pa ulit ulit niya kasi akong tinatanong kung okay lang ako eh. Baka nahalata niya na kinikilig ako? Nako! Wag naman sana! Nakakahiya yun!

"Namumula ka kasi eh" shiz! Nahahalata niya na kinikilig nga ako!

Nag poker face na lang ako at inusisa kung bakit hindi nakapunta si Suga.

"Ano nangyari dun sa Yoongilagid na yun? Bakit di siya nakapunta at ikaw ang pinadala niya? Nagpatanggal na ba siya ng mga ngipin para maging ganap na gilagid na lang ang matira sakanya? O baka naman nagpaturok yun ng gluta? Teka! Baka naman nilagok niya yung gluta imbis na iturok sakanya?"

Halata naman na naguluhan siya "Huh? Sino yung Yoongilagid?"

Napatawa naman ako "HAHAHA. Wala yun. Si Suga. Ano nangyari dun?"

"Ah. Inutusan kasi siya ng manager namin eh. No choice siya kaya sinunod niya na lang at since ako lang naman ang natira sa dorm dahil ako lang ang walang ginagawa ako na lang ang inutusan niya na makipag kita sayo. Ayos ba?" Sabay wiggle ng kilay niya.

Buong araw ko siya makakasama? Yieeeeeh! Pero teka!

"Sure kang wala kang gagawin ngayon? Baka naman meron? Okay lang sakin kahit na si Micha na lang yung sumama sakin. Kami na lang magdadate"

"Wala talaga. Bakit? Ayaw mo ba ako kasama? Akala ko ba ako yung bias mo?" Sabay pout.

Omg! Ang cute niya! Why is dat?

"A-ah.. hindi naman sa ganun. Nagtatanong lang naman hehe.." sabay kamot ko sa ulo ko.

Paano niya nalaman na siya yung bias ko? Sino nagsabi sakanya?

Since He Noticed Me (BTS FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon