Chapter 22

22 5 0
                                    


Babaguhin ko na pala yung title nitong story. Para kasing hindi sya nagfifit sa kwento eh. Gagawa ako ng isang story na ang title ay 'Buhay Fan Girl' dun mismo malalaman kung ano ba talaga nangyayari sa buhay ng isang fangirl.So ang title na ng story na ito ay...

'Since He Notice Me'

Written by
blxckbuttxrfly


Enjoy! Now playing: Dead Leaves by BTS.

~Never never fall....

***


{Claire's POV}


Sa buhay ko, minsan lang ako umiyak.Kasi kahit inaasar ako ng mga kalaro ko nung bata pa ako一 Never akong umiyak. Tinatawanan ko nga lang sila. Ang lagi ko kasing iniisip na ang luha ng tao ay lumalabas lang pag nasasaktan, pag sobrang lungkot at sobrang saya. Bilang na bilang sa mga daliri ko kung ilang beses na ako umiyak. Kahit itanong nyo pa sa mga kaibigan ko.

Para sakin kasi ang luha ng tao ay napaka special.

Kaya nga ngayon nagtataka ako eh.Matapos namin mag-usap ni Denise umiyak ako. Nakatulala lang ako sa kawalan habang umiiyak. Kanina pa nga ako umiiyak. Pauwi na din ako sa unit ko pero parang wala ako sa wisyo. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit kailangan maging ganito?

Kung hindi ba ako nagpunta ng concert di ko mararanasan yung ganitong pakiramdam? Di ba ako masasakatan ng ganito kung nagstay lang ako sa bahay nung birthday ko? Ba't ba ang sakit sakit? Bakit sakin pa to nangyari?

Naalala ko nanaman yung paguusap namin. Bakit kailangan pa nya sakin sabihin yun? Eh naguguluhan din ako eh.





"Claire... akin na lang sya" sabi nya sabay punas ng luha nya.

"Bakit mo ba sya hinihingi sakin? Hindi ko hawak yung puso nya, okay? Kaya walang akong pakialam kung mahal mo sya o kung mahal ka din nya "sabi ko sabay tayo. Wala nga ba talaga akong pakialam? Talaga bang okay lang sakin kung magiging sila man? Okay lang ba ako?

Saka never naman syang naging akin diba? So ba't nya hinihingi sakin si V? Eh hindi ko naman sya pag aari eh. Saka wala akong karapatan na ipagdamot sya. Bakit , ano ba kami? Diba nga walang KAMI?

"Claire, sa tagal namin naging magkaibigan ng BTS kabisado ko na sila. Kahit tumingin lang ako sa mga mata nila alam ko na kung nasasaktan sila, kung malungkot sila, kung masaya sila, kung may problema sila, at kung 'inlove' sila." Oh edi sya na. Sya na yung may alam. Sya na yung kabisado yung BTS. Sya na. Ako na yung hindi. Leche eh. So, ano point nya? Na mas kilala nya yung BTS kesa sakin? Edi shing.

"Oh edi wow? Anong gagawin ko?" Sabi ko sabay irap. Tinignan nya naman ako ng naka-kunot noo, yung tipong pinapahiwatig ng mata nya na 'ang-bobo-naman-ng-babaeng-to' aba! Wag nya akong mabobo-bobo! Baka sampalin ko yung kilay nya dyan! Makita nya!

"Hindi mo makuha yung point ko?" Tanong nya. Umiling naman agad ako. Hindi ba halata? Napabuntong hininga naman sya saka inexplain sakin kung ano ba yung gusto nyang sabihin.

"My point here is nakikita ko kung paano tumingin sayo si Taehyung. May nakikita akong kinang, may nakikita akong saya tuwing binabanggit nya ang pangalan mo, or even kahit marinig nya lang yung name mo napapangiti na sya"sabi nya.

Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Oh tapos?" Sabi ko.

"Hay! Talagang di mo talaga magets. Ah! Let's put it in this way. Gusto mo ba sya?" Tanong nya para mapaisip ako. Gusto ko nga ba sya? Kahit na mahal na mahal ko sya dahil idol ko sya iba pa rin yung way ng pagkamahal ko sakanya. Kasi that love is for being idol only. Hindi ko sya tinuturing na mahal talaga na as in mag-asawa, boyfriend or any relationship. Mahal ko sya as a friend. Pero as a friend nga lang ba talaga?

Since He Noticed Me (BTS FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon