Chapter 29

36 2 0
                                    

Erika's POV

[Now playing: Yayaya - HSLO OST]


Since 6:40 na ng hapon. Actually mag-gagabi na nga eh. Pumunta na lang kami sa sea side. Tatambay lang kami.

Para nga kaming terorista nito eh. Balot na balot yung itsura namin. Napagkakamalan tuloy kaming holdaper. Sarap ngang sungalngalin ng mga tao na kung makatingin samin ay akala mo may gagawin kaming masama sa kanila eh. Excuse me lang ah? 'Tong ganda na to? May gagawing masama? Huwaw. Ang taba naman ng utak nila

Baka pag tinanggal ko yung mask ni Jungkook ay biglang maglaglagan yung panty nila. Hype na yan.

Pero kiber lang. Di ko na lang sila papansinin. Sabi nga ni Jungkook magdadate kami kaya ayoko sirain yung momentum.

Parang sira nga tong si Jungkook eh. Pinipilit akong pagsuotin ng mask at shades dahil baka daw may makakilala sa amin.

Kinotongan ko nga. Sabi ko bakit ako yung inaalala mo? Eh ikaw tong korean idol. Baka siya yung dapat magsuot ng mask at shades. Tumawa lang siya, sabi niya kaya na niya yung sarili niya at kailangan na walang makakilala sakin dahil di daw niya kakayanin pag nasira yung buhay ko dahil sa showbiz at sa mga sasaeng fans na patay na patay sakanya. Ang yabang nga ng ugok eh.

Pero kinikilig talaga ako. Ang pogi niya kasi eh. Pati pag tawa niya ang pogi din. Lahat sakanya pogi! Hihihi.

Nakaupo lang kami dito sa nga bato habang pinapanood yung araw na unti unting lumulubog. Napaka peaceful ng araw na ito.

"Okay lang ba sayo kahit dito lang kita dinala?" Tanong ni Jungkook na naka agaw ng atensyon.

"Oo naman. Kahit nga sa fast food chain mo lang ako dalhin, okay lang sakin" as long as kasama kita. Okay lang sakin.

Kahit saan tayo pumunta basta kasama kita, masaya na ako. Sobra sobra pa nga to kung tutuusin eh.

Natahimik naman kami saglit.

"Salamat ah?" Sabi ko habang naka yuko.

"Para saan naman?" Tanong niya habang tinanggal niya yung shades niya.

"Sa lahat. Salamat. Kasi natupad na yung isa sa mga kahilingan ko"

"Eh? Anong kahilingan naman yun?"

"Basta" sabi ko ng nakangiti. Salamat Jungkook at tinupad mo yung hiling ko. Na makasama ka ng matagal. Na makausap ka ng matagal. Na makapag date tayo. Kahit na hindi mo tinuturing na date ito, basta para sakin ay date ito. Ang saya saya ko, sobra.

"Wala yun. Next time ulit?"

Napatingin naman ako sakanya at napangiti "Sure"

Inalis ko na yung mask ko dahil pinagpapawisan na yung pisngi ko at yung shades ko dahil gabi na naman eh. Wala naman na sigurong makakapansin samin dito?

Saka konti na lang yung mga tao dito sa sea side. Bilang na lang kaya mas mabuti kung tanggalin ko na lang yung mask.

"Ba't mo tinanggal?"

"Ang init eh"

"Tsk. Tara nga dito" sumunod na lang ako sakanya. Lumapit ako sakanya at kinuha niya yung panyo na hawak hawak ko.

Pinunasan niya yung pisngi ko na may mga pawis at yung noo ko. Habang ginagawa niya yun nakatitig lang ako sakanya. Hanggang sa mapatingin din siya sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Since He Noticed Me (BTS FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon