Chapter 3
Today's the big day for Vincent, ngayon kasi yung Pop Fair 2016. Yes 1 year na po siyang Pop Guy at 1 year na rin kaming nagmomodel for Pop Mag pero single-single lang yung posing namin, yung pinost ni Elyn sa Pop Mag na kaming dalawa ay laging nakablur yung mga picture sa lahat ng articles, kasi baba daw yung hakot ng tao para kay Vincent pag nalamang may girlfriend siya kaya ayun. Tiis-tiis.
Sobrang excited na ko para kay Vince pero syempre siya kabaligtaran. Last day kasi ng midterm exam niya today pero dahil nga Pop Fair ngayon ay nagrequest yung Pop Media na i-advance yung exams niya. Which is isa lang naman pero major subject.
Naawa ako kay Vince.. Dahil ngayon lang siya nakatulog ng maayos kasi aral siya ng aral. Nandito ako ngayon sa bahay nila. Nireready ko na yung mga gagamitin ni Vince para mamaya. Actually dalawa lang naman yung susuotin niya.
Isang uniform nilang Pop Guys at isang semi-formal kapag magpeperform na sila. Hindi sumasayaw si Vince kaya kakanta siya. Tapos yung ibang damit at nireready ko na ay yung pamalit niya, magdadate daw kasi kami after ng Pop Fair.
"Vincent..." tawag ko sa kanya kasi nakahilata pa rin siya.
"Hmnn.." tapos tinalukuran niya ako. I just smiled tapos tinabihan ko siya. Maaga pa naman 6:37 pa lang pero mas mabuting mas maaga.
"Bibiboyy..." tinabihan ko siya para gisingin pero yinakap niya lang ako.
"Aish! Mamaya na nga!" kaya ginawa ko kinuha ko yung Ipad at chineck ko yung poll ng Pop Guys, nakita kong pangatlo si Vince sa Top 5.
Ngumiti naman ako, nagregister ako at nagvote ulit at shinare ko yun sa wall ko para at humngi ng tulong na sa mga friends ko. Isang taon na kami nagmomodell for Pop Mag medyo hirap kami kahit part time job lang yun. At ngayon yung judgement day ng Top 10 na natira. Sana mag Top 1 si Vince.
Ang tanong alam ba ni Vince na ginagawa ko to? Hindi, kasi simula nung nagmidterms siya ay dinactivate niya yung mga social media accounts niya kasi simula nung sumali siya sa Pop Guys ay sabog na yung notifications niya.
Actually pati yung akin pero mas malala yung kanya. Puro positive naman yung sinasabi about sa amin. So far wala pa namang umaaway sa akin dahil sa kagwapuhan ni Vincent kasi both nakaprivate yung accounts sa social media mismong friends lang namin yung mga nakakaalam ng post namin.
Nakatuwa talagang isipin na ang laki ng pinagbago ni Vince? Humarap ako sa kanya at sumiksik sa kilikili niya. Ewan ko ba bat nawiwili ako sa amoy ng kili-kili
*
Naalimpungatan ako at tumngin sa orasan.. Shocks! Quarter to Eight na! 10 yung event! 9 AM dapat nandun na kami ni Vince! Omg. Hinanap ko agad si Vince pero wala siya.
"VINCE??"
"VINCE?" pumasok ako sa banyo niya pero wala siya doon
"Yes Bibigirl?" biglang bumukas yung pintuan niya at bihis na bihis na siya.
"Bat hindi mo ako ginisng? Anong oras na oh!"
Tiningnan ko siya ugh. Ang gwapo kahit anong suotin. He's wearing a skyblue blue polo and a khaki pants and a boats shoes topsiders "Chill Han, there's nothing to worry. Hindi naman traffic ngayon it's Saturday today"
"Ugh. Kahit na. Nag breakfast ka na ba? Uhm wait lang maghihilamos lang ako tapos tara na"
"Han wait?" sabay hatak niya sa akin
"Thanks for preparaing my things." At hinalikan niya ako sa noo.
"You're welcome." Ngintian ko siya.