Kanina pa tawag ng tawag sa akin Daxton hindi ko sinasagot kasi late na kami. Hindi naman actually late. Late kami for breakfast. Lagi kasi siyang nauuna sa akin, gusto niya maaga kami lagi sa restau para doon na kami magbreakfast o kaya magddrive thru muna kami kung saan. Isang linggo na mula nung nagpakalasing si KL ganito na lagi ang routine namin. Nakakalungkot nga lang dahil nasa Manila yung girl ni KL at sa makalawa pa daw ang balik hindi ko tuloy siya makausap.Nag-ring ulit yung phone ko kaya sinagot ko na. "Hello, eto na po papunta sa sasakyan" saka ko binaba.
Pagkalabas ko ng apartment "Oh nasaan na yon?" Usually kasi nakaready na yung sasakyan at ako na lang iniintay niya. Pero wala..walang..Daxton sa sasakyan.
Biglang nagring uli yung phone ko
"Oh hello? Nasaan ka na ba? Nandito na ako oh."
"M-my..."
Lumaki ang mata ko "Daxton? Anong nangyayare?"
"H-help me.." Paos na sabi niya mas lalo akong kinabahan
"Daxton! Asan ka?"
"...."
"Hello Daxton!!!"
"Uy sumagot ka D!"
*
Umakyat agad ako sa kwarto niya, I hope nandoon lang siya at walang nangyaring masama. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Kasi kanina niya pa ako kinokontak eh. Limang miskols na rin yun. Pag may nangyari masama ako ang may kasalanan!
"Daxton??" Kinatok ko yun pero walang sumasagot..sinubukan kong pihitin ang doorknob at nagbukas naman ito.
"Daxton?" Nakita ko siya nakahiga sa kama at nakabaluktot ginaw na ginaw.
"'M-my.."
"Hala! Ang taas ng lagnat mo!"
"Dalhin na kita sa ospital?" Hindi siya sumagot pero umiling lang siya
"D-don't leave me please." Tumango ako.
"Dax, lalagyan kita ng cold compress." Sobrang higpit ng hawak niya sa akin.
"S-stay."
"Huwag kang makulit, ikukuha kita ng cold compress para bumaba na yang lagnat mo."
"P-please."
Wala akong nagawa umupo na lang ako sa tabi niya. Inayos ko yung comforter niya dahil ginaw na ginaw pa din siya. Tinawagan ko si KL dahil alam kong maaga pa at papasok pa lang yun.
"Hello Love?"
"KL, nasaan ka na?"
"I'm here sa kusina, katatapos ko lang magbreakfast paalis na rin. Why?"
"Hay salamat. Ugh.. Pakuha naman ng yelo sa ref tapos maliit na planggana na rin na may tubig. Ang taas kasi ng lagnat ni Daxton eh."
"Ohh... sige-sige."
*
"Salamat KL ha." sabi ko habang pinupunasan si Dax
"Well anything for you guys."
"Buti na nga lang nandyan ka pa. Ayaw kasi akong bitawan ni Daxton."
"Wait nakuhaan mo ba siya ng temperature?"
"Hindi pa nga eh. Simula kasi ng dumating ako dito hindi niya na ako binitawan. Buti na lang nakatulog na siya ngayon." Sabi ko at pinunusan ulit siya.
"Good thing I also brought the medicine kit with me. Nasa taas lang to ng ref if ever may emergency like this"
"Naku! Salamat talaga KL, anyway malalate ka na kung di ka pa aalis."
