Chapter 13

40 1 0
                                    



Biglang nagvibrate ang phone ko at si Papa iyon. Kahit nahihilo na ako ay inayos ko ang sarili ko para masagot yung tawag niya.

"Anak.."

"Yes Pa?"

"Asan ka bat ang ingay jan?"

"Nasa rave concert po Pa, sorry po biglaan."

"You're with Louis?" natahimik ako sa tanong niya.

"Ugh..Pa..b-busy po kasi si Vincent."

"Who's going home with you?"

"Kasama ko po mga kapatid ni Vincent Pa. Hindi naman nila ako pababayaan eh."

"Alright, basta take care of yourself sweetheart okay?"

"Yes pa." at binaba ko na yung tawag. Nawala yung hilo ko dahil sa tawag ni Papa, siguro sa takot na rin na malaman niyang nag-away kami ni Vince. 

If you're asking me what I'm feeling right now, I feel betrayed. Hindi ko alam bat nagawa sa akin ni Vince yun. Maayos naman kami nung mga nakaraang araw, iniintindi ko siya tuwing madaling araw na siya uuwi dahil nga mahirap yug course niya. Tapos bigla nalang ganun yung mangyayare. 

Hindi ko na din alam kung nakailang shot na ko. Ubos na din yung isang bote. Yung dalawang bote dinala na mga tropa ni Jake. Yung mga shot glass dito wala na ring laman at nahihilo na rin ako. Nakita kong nirerefeelan na ng waiter yung mga shot glass, nginitian ako nito at saka umalis. Nagdadalawa na din yung paningin ko. Kinuha ko yung phone ko at tiningnan kung anong oras na. Magteten lang pala nahagip nito ang lockscreen wallpaper ko. Kami to ni Vince 2 years ago. Eto yung araw na sinagot ko siya at nagfoodtrip kami he's looking at me while at I'm laughing at him. Nakakaiyak naman. Ano kayang pumasok sa isip ni Vince at hinalikan niya yung kaklase niya kanina. Shumot lang ako ulit shumot hanggang sa naging blurry na yung panangin ko.

"Kilala niya nga ako!"

"Hannah!"

"Diba boyfriend mo ko?"

Rinig kong sigaw. Hindi ko maaninag kung sino yung mga inaawat ng mga bouncers.

Nilapitan ako ng isang bouncer. "Ma'am boyfriend niyo daw po siya?" Tiningnan ko mabuti kung sino pero hindi ko na talaga siya makita dahil naglalabo na talaga yung paningin ko.

Tumayo ako para maaninag ko pa siya lalo. Inalalayan pa ko ng bouncer. Pero blurry pa rin siya pero may kamukha itong lalaki sa harap ko"Hindi ko siya boyfriend hahah" sabi ko.

"Hannah.. Your drunk already.. I'm your boyfriend! Ano ba papasukin niya ko!" sigaw iya sa bouncers

"Ma'am pwede na po kayo bumalik doon kami na bahala dito."sabi nung isa

"Your not my boyfriend pero kamukha mo nga yung boyfriend kong tanga haha. Sige na Kuya he can go with me." I said while laughing.

"Pero Ma'am bilin po ni Sir--"

"She said I can go with her." Pumiglas siya sa mga bouncers at naramdana kong sumunod siya sa akin. Medyo inalalayan niya pa ako pabalik dahil gumegewang na ako.

Sumubo ako ng chips at shumot ulit. Tiningnan ko siya kamukha niya talaga ang Vincent ko.

"You're really drunk Hannah." Hawi niya sa shot glass na iinumin ko.

"Kung kokontrahin mo lang ako ipapalabas kita kela Kuya." Natahimik naman siya.

Uminom din siya katulad ko. Shot lang kami ng shot. Pero mas onti yung shinashot niya minsan hindi siya iinom titingnan niya lang ako.

TVGMMAS: College LifeWhere stories live. Discover now