Chapter 22

58 2 1
                                        

Vincent's Point of View

I'm so excited to pick up Hannah..we'll be going to her training then aftee that we'll go to mall because we promised Enzo that we'll play arcade.

Napansin kong nakauwang yung pintuan ng guest room but I didn't bother to see what asshole is doing kaya dumiretso ako sa kwarto ni Hannah..there is Enzo peacefully sleeping..

"Hannah? Bibigirl? I'm here already.."I checked the bathroom but she wasn't there. Dumaan din ako kanina ng kusina dahil nilapag ko yung breakfast nila ni Enzo pero wala siya doon. Agad akong  dumiretso sa guest room I found Hannah in the asshole's bed comfortbly sleeping, just the hell is happening???

Nakita ko si Daxton kalalabas lang ng banyo and he's only wearing bathrobe for pete's sake!!!

"Why the hell is Hannah in your bed? Did you seduce her huh?" I punched him straight on his face.

Hannah's Point of View

Bigla akong napabalikwas ng may narinig akong bumagsak. I saw Daxton on the floor he's face is bleeding nakita ko din Vince na galit na galit.

"Vincent!!!" Pinigilan ko siya kasi susuntukin niya na naman si Daxton.

"Are you cheating on me Hannah? Are you guys cheating on me, huh?" Hindi ko napigilang sampalin si Vince.

"Ano?? Ano bang pinagsasabi mo?" I shouted

"Why're you sleeping on his bed?" He shouted back

"Ah--I.." Hindi ko alam sasabihin ko dahil ang huli ko naalala nakatulog ako sa kababantay kakaalaga kay Daxton dahil umatake ulit yung lagnat niya.

"What? Gumaganti ka Hannah? I already faced the consequences--"

"She was taking care of me last night because of my high fever. Binuhat ko lang siya papuntang kama kanina nung naligo na ako kasi naawa na ako sa kanya she fell asleep while sitting. Walang nangyare sa amin..mali yung iniisip mo" Sobrang kalmado na si Daxton habang nageexplain siya pero nakayukom pa din yung kamao niya

"Is it true Hannah?"

"Oo Vince, kahit itanong mo pa kay Manang siya ang tumawag sa akin dahil kinukumbulsyon na si Daxton kagabi."

"I..I'm sorry.." Sabi sa akin ni Vince.

"Kay Daxton ka mag-sorry Vincent!"

"I'm sorry.." Sabi niya kay D

"Myghaad Vincent, look at what you did to D? May contract signing siya mamaya sa Pop Mag? Ano na lang sasabihin ng Director Yu at Manager Joe?"

"I'll call them to postpone it."

"You can't do that wala ka na sa management!"

"I will tell them na dinala natin siya sa ospital that you guys can't make it."

"Mukhang dadalhin nga natin siya sa ospital, mabibinat pa to si Daxton sa kagagawan mo Vincent!"

"I'm sorry...I thought..."

"Ayan ka na naman sa sorry mo! Lahat na lang lalaki sa buhay ko piangseselosan mo!" I shouted

TVGMMAS: College LifeWhere stories live. Discover now