Chapter 4

62 4 0
                                        


Chapter 4 of College Life

Hannah's Point of View

Patapos na ang first semester 2nd year life namin at katatapos lang ng klase. Tumingin ako sa orasan at may dalawang oras pa ako para intayin ang training. Kaya matutulog na lang ako sa quarters namin.

Nag-ring ang phone ko at sinagot ko yun.

"Vin?"

"Hey I miss you."

"I miss you too Bibiboy... Hmnn may exam ka diba?"

"Yes I finished earlier than expected"

"Ikaw na talaga.."

"What are you doing Bi?"

"Hmnn papuntang quarters" sabi ko habang naglalakad sa gym. Ang haba kasi ng gym namin isang pang badminton, volleyball and basketball kaya ang haba ng nilalakad ko.

"Eto na pala yung best spiker natin eh!"

"Hi Hannah."

"Uy Hannah" nginitian ko lang sila

"Someone's popular now!" sabi ni Vince sa kabilang linya

"Sira hahah! Nagsalita ang hindi, dami mo kayang fan girls!" pang-aasar ko sa kanya.

"Ikaw lang naman ang fan girl na gusto ko."

"Seriously Vincent Louis?"

"Yeah, you alrady know that. Sige na, I have to go magrereview pa ko sa International Law"

"Alright, God bless Vin! Alam kong yakang-yaka mo yan, ikaw pa ba? I love you okay?"

"Thank you so much Han, I love you too...so much bibi!"

*

"Uy gerlat!" biglang may umakyabay sa akin. Medyo malayo pa kasi yung quarters dito sa gym dadaan muna kami ng parking lot ng gym tapos quarters na.

"Oh Stan bakit?"

"Uy sabi ni Coach kanina Aqua Training lang tayo! Eng seye nern!" YES PO LANTAD NA BADING NA SIYA AT TAKE NOTE NAGING CAPTAIN BALL NA DIN PO SIYA. Pangalawang taon na ngayon kasi 5th year na siya dahil sa course niya. Huhuh. Lakas kay Coach diba?

"Buti na lang at dala ko yung rush guard ko." Sabi ko.

"Uy Alam mo ba? Pogi daw ang yung nag guest kanina sa MassCom!"

"Huh? Eh ano naman?"

"Ano ka ba! Isa yun sa in demands na model dito sa Pilipinas tapos yung pinarkingan niya malapit lang sa quarters natin!" Don't get us wrong ha? Pero hindi magkadikit yung quarters ng womens sa mens varsity. Pinagigitnaan kami ng athletics office.

"Oh eh ano naman?"

"Ano ka ba girl aura na to! At saka nagbabakasakali lang naman tayo, kaya tara na bilisan mo." Inismiran ko lang siya pagkatapos nun ay tiningnan ko yung phone ko dahil nagtext si Kuya AC yung twin ni Ate AJ.

"Hannah? Sorry are you in your free time? I need to call you ASAP"

Magrereply pa sana ako eh. "Aray!" "Ouch!" Sabay naming sabi

"I'm sorry...." sabi niya na parang hinihintay niya ang pangalan ko

"Hannah.. Hannah is her name" sabi nitong si Stan "Gerlat yan yung model na sinasabi ko sa'yo" bulong niya sa akin.

"Oh by the way I'm Leo..Leo Agoncillo." Sabay lahad niya ng kamay.

"Ah. Hello po. Sorry din po. Pero kamukha niyo po si Lei Agoncillo? " sabi ko, si Stan naman tuod ang baklita.

TVGMMAS: College LifeWhere stories live. Discover now