Hanna's Point of View
"Is he really going with us?" Hysterical na sabi ni Vince napa irap na lang ako. Kagabi pa kasi sinabi na kasama namin uuwi ng Manila si D, paulit ulit lang?
"Tiwo-tiwo D!!!" Sabi ni Enzo habang pumapalakpak
"Oo naman, iniintay siya ni Papa." Sagot ko
"What? I thought he was just joking or something.."
"Sige na..D magdrive ka na. Magpalitan na lang kayo ni Vincent kapag pagod ka na." Tumango naman si Daxton. "Ay ikaw na lang muna magdrive Vince. Masama ang pakiramdam ni D.." Sabi ko na lang.
"What?" Sigaw ni Vince
"I'm good..we can go now." Maikling sabi ni Daxton.
"Sigurado ka D?" Tumango na lang siya. Kanina pa yan tahimik..hindi siya pala salita ngayon iniinsip niya kasi talagang mae-engage kami. Natatakot siya sa pwedeng sabihin ni Papa sa kanya.
"Wait..one last question.. Where is he going to stay?"
"Sa bahay muna pansamantala.." Sabi ko habang inaayos yung seatbelt ni Enzo.
"What?"
"Papa Vin! Too noisy! Let's go now, pwease?" Doon lang natahimik si Vince.
Matagal din yung binyahe namin at nakatulog si Enzo sa akin ng magising siya gusto niya daw kumain ng kanin.
"Ako na mag-oorder. Anong gusto niyo?" Tanong ko.
"Mama Han, chicken and wice and oh! Ice cweam-ice cweam?"
"Ikaw Vince?"
"2 piece chicken..and an extra rice please."
Bigla naman tumayo si Daxton nung tatanungin ko ma siya. "I'll go with you." Pipigilan sana siya ni Vincent pero minata ko na lang si Vince
"D, I can manage.." hindi niya ako pinansin at tumungo na sa counter.
Umorder na siya ng hindi tinatanong yung order ko. Well alam na alam niya naman yung order ko kaya hinayaan ko na lang pero ang nakakagulat siya pa ang nagbayad.
"Sa side na lang po, while I'm preparing your orders" sabi ng crew.
"Daxton.." tawag ko sa kanya. Nilingon niya lang ako. "Huwag ka naman ganyan, hindi ako sanay ng ganyan ka." ngumiti lang siya pero sobrang lungkot na ngiti. Kinapa ko yung noo niya parang may sinat siya "Si Vincent na ang magddrive ha? Ganyan ka ba talaga pag natetense parang lalagnatin?"
Vincent's Point of View
From a far..kitang-kita ko kung gaano ka-caring si Hannah kay Daxton. Ganun kaagad sila ka-close. Well I can't blame Hannah she can please everyone.
"Papa Vin? I'm hwungy.. Yayay na tummy Where's my chickwen?"
Bigla naman akong naawa kay Enzo "Hannah! Hurry, Enzo's hungry already.." tumango lang siya sa sagot ko.
Dumating sila pero napansin kong wala pa yung order ni Hannah. Inumpishan nilang tanggalin yung mga gamit sa tray. Sinubuan na din ni Hannah si Enzo. "Thank you Momma Han! Mwuah mwuah!"
