Hannah's Point of View
Days passed naging close na kami na rin kami ni Callix, tapos na yung pagiging school guide ko sa kanya at nakapag driving lessons na rin kami. Ang daming nang-yari sa tatlong buwan. Tanggap na ni Callix na hanggang friends talaga kami pero pag lumalabas kami at kakain kahit kasama pa si Vincent nililibre niya kami, galante daw talaga siya kaya ganun. Nababantayan niya din si Enzo pag busy kaming dalawa ni Vince at syempre lagi silang magkasama ni Manang.
Regarding sa Agoncillo Twins close na rin kami hindi katulad dating may awkward moment napapadalas kasi yung mga shoots namin. Kinuha pa kaming model sa isang local apparel sa ayun.
Regarding with Vince kaya hindi ko siya nababangit ay wala na kami. Syempre joke lang iyon. Mahala na mahal ko si Vince hindi ko kayang mangyari iyon. Buti na nga lang eh sanay na si Vince sa kanila. Pero sa twins lang whenever I meet new models or new guys sa game napaparanoid na naman siya.
Our relationship now is smooth and sailing kahit super busy sa acads at sa games ko we manage to see each other pa rin kasi syempre kay Enzo at sa iisang pad na lang kami nakatira. Minsan naman hindi na kami nagpapangabot ni Vince sa kama na lagi.
Maabutan ko siya nagmememorize o kaya nagbabasa ng napakapal na libro at minsan naman maabutan ko siya nakayakap na sa akin. Kapag ganun I kiss his cheek mabawasan man lang ang stress niya kaaral sa course niya.
Last day ng school namin today. Pero sila Vince sa April pa ata yung start ng vacation niya. Kaya naisipan kong supresahin siya, dinalahan ko siya ng favorite namin na carbonara. Tamang-tama gutom na yun, kanina pa daw sila gumagawa ng case study ng kaklase niya eh. Time check, magsisix na din. Sobrang traffic kasi kanina palabas ng Pasay. Nandito na kami sasakyan at kasusundo lang namin kela Ate Aj galing airport. Nasa front seat ako si Sammy ang nagddrive at nasa likod sila Ate Aj.
Si Enzo na kela kuya AC, umuwi kasi sila and they're staying for a month.
Otw na kami sa papuntang bahay nila. Ng biglang nagsalita si Ate Aj.
"So kamusta kayo ni Vince, Hannah?""Maayos naman po kami Ate"
"Ikaw Sam? Balita ko eto na yung pinakamatagal mong girlfriend ah"
"So far so good naman Ate." Sam said while driving.
Nakarating na kami sa loob ng bahay at papunta na kami sa garden natatanaw ko na si Vince at ang kasama niya. Babae pala yung kapartner niya sa case study na ginagawa niya. Well I have nothing against that.
Pero natigilan ako sa paglakad ng hinalakan siya nung girl na katabi niya and to my surprise he actually responded to that kiss. Napabitaw ako sa hawak kong carbonara. "F*ck" rinig kong bulong ni Sammy. At biglang sinugod niya sila Vince. Laking gulat ko sa isang suntok palang ni Sam ay tumamba agad si Vincent. Agad naman itong pinigilan ni Kuya Yohanne
"Mangloloko ka Vincent ah" sigaw ni ni Sammy at nakita kong sinuntok niya ulit ito.
"Sam tama na" pigil ni Kuya Yohanne
"Hindi Kuya Yohanne, huwag mo akong pigilan! Walangya ka Vincent, ikaw pinakamatalino sa ating magkakapatid, bat ngayon mo pa hindi ginamit yang utak mo ha???" sigaw niya ulit at susuntukin niya sana pero napigilan na siya ni Kuya Yohanne
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ganitong-ganito din yung eksena ni Ericka at Justin nung nakipagbreak siya sa akin, at nauulit na naman.
"Hannah, do not just stand there. Let's us claim what is yours" sabi ni Ate AJ na ng nanlilisik ang mata. Hinatak ako ni Ate AJ papunta sa kanila.
