Hannah's Point of View
I don't know what to react that's why I hugged him too pero inalis ko din agad kasi ang awkward hahah! Ang tagal din namin huling nagkita. "Ate Love ikaw na ba talaga to? Am I not dreaming? Aish sampalin mo nga ako." Natawa naman ako sa kanya nawala tuloy yung pagiging awkwardness.
"Ako to, haha. Hindi nakita sasampalin baka kung anong mangyari sa'yo spiker pa naman ako haha." Natawa ako sa sinabi niya.
"Uy ano-ano kamusta ka na? Nandito ka na pala hindi man lang sinabi ni Kuya Mike"
"Ayos lang naman ako. I'm here for a month actually." Sabi ko sabay upo sa stool
"What? A month? For real? Pano yung boyfriend mo, si Enzo?" Nabigla naman ako kasi parang updated siya sa buhay ko. I smiled and then I sip my milk.
"Seriously kilang kila mo sila? At sila talaga yung naalala mo ah?" Gusto ko sanang uwisan ang topic na to kasi kapag si Vince ang napag-uusapan hindi ko maisawang maluha.
"Ate love, I'm your number one fun here in Baguio kaya." Sabi niya at kumuha din siya gatas na kinuha ko kanina
"Huwag mo na akong i-Ate dahil mas ma-tangkad ka pa sa akin ang pangit lang pakinggan hahah"
"Ay hala ubos na?" Hindi man lang kasi nangalahati yung baso niya. Napansin ko naman na may nakalagay na post it na pangalan niya.
"Ay omg sa'yo ba yan? Akala ko kela Auntie lahat ng nasa ref. Papalitan ko na lang! Sorry-sorry." Inexplain naman niya sa akin na lahat sila nakikilagay sa ref nila Mike at may kanyang kanyang post it para hindi magkaagawan at ayaw niya na din papalitan yung gatas.
"So how are you, binatang binata ka na? May girlfriend ka na ba?"
Natigilan siya sa sinabi ko "To be honest Love, I still have a huge crush on you. May mga dumaang iba pero I guess wala na atang hihigit sa'yo huwag ka sanang magalit. Sorry if magiging totoo na ko."
"Hahah. Ito naman, sobra na ah! Marami pang iba dyan. May mas hihigit at hihigit pa sa akin. But remember kahit malayo tayo sa isa't isa, you can still count on me and please stop calling me Ate."
"Edi L-love na lang?" Nahihiyang niyang tanong
"Bahala ka any will do. Huwag lang Ate okay? Feeling ko ang tanda tanda ko na eh"
"S-sige love." Ramdam kong awkward na naman pero syempre ayoko ng mangayare.
"Halika nga Baby KL. Let me hug you, ang laki laki mo na talaga. Ayokong ma-aawkward kasa akin, okay?" Tumango naman siya at niyakap ako pabalik. Dafi kasi sobrang close kami, nawala lang yun dahil suguro bihira na akong umuwi dito.
"L--love parang mainit ka?" Kinapa niya ang noo tska ang leeg ko.
"Pagod lang siguro sa byahe to, KL. Sige na I'll go to sleep. Ikaw may pasok ka pa right?"
"Yup, magbbreakfast na sana ako nung nakita kita"
"Ah sige, papalitan ko talaga yung gatas mo. Hehe. Mamaya na lang ha?"
Humiga na ako at ngayon ko lang naramdaman yung pagod ako.
KL's Point of View.
Tiningnan ko na lang siya pabalik sa kwarto. Haaay Ate Love! Hindi man lang ako prepared sa araw na to. Tsk. Simula nung unang punta niya palang dito crush na crush ko na siya. Mga bata pa kami noon, gradeschool palang ako at highschool na siya at hindi ko na talaga siya nakalimutan.
I'm Kevin Leroy Gonazales graduating na ko sa high school year ko, si Ate Love ang inspirasyon ko sa academics wala akong girlfriend dahil katulad niya ang nasa standards ko at hindi ko ikakaila na isa akong fan boy ni Ate Love. May isang babae akong nameet na katulad ni Ate Love pero iniwan niya din ako, masakit oo pero hinayaan ko na lang.