Normal school day today. One month na rin since nagstart ang 2nd semester at kahit one month palang ramdam ko na mabigat ang pinasok kong kurso. Kung tutousin pwede kaming maglawschool ni Vince kasi parehas kaming pre-law ang kurso pero hindi, hindi ko kakayanin maglaw-school at pangarap ko talagang mag FA.
Buti na nga natutulungan ako ni Vince kahit na magkalayo ang school namin, napapahiram niya ako ng libro na kaylangan at ngayon ihahatid ko sa parking tong mga libro na hawak ko, napaxerox ko na kasi siya.
Katatpos lang namin mag-lunch ng biglang may bumungo sa akin. Nahulog tuloy yung dala-dala kong libro pati yung napaxerox. Ugh! Buti na lang talaga at nakastapler na to. Patay ako nito, kay Vincent pa naman tong mga libro. Ayaw niyang nadudungisan yung libro niya.
"S-sorry Miss. Nagmamadali kasi ako." ngayon ko palang siya nakita dito sa school bukod kasi sa hindi siya naka-uniform pang LU hindi pamilyar ang mukha niya at nakashades pa ang loko. Psh napa-irap nalang ako. Hindi kasi nagdahan-dahan. Nakita ko yung libro. OMG napahawak ako sa bibig ko. May tama yung libro ni Vince ano na lang sasabihin niya kapag nakita niya to.
"Miss... I said sorry... " tinulungan niya akong pulitin yung mga libro. At tiningnan ko naman siya ulit. Napapatitig naman ako kasi pwede na akong magsalamin sa shades.
"Whoah Hannah? You're Hannah!" nagulat naman kasi kilala niya ako. "Uhm-uhm wait can I hug you...ugh why am I even asking.. this is an oppurtunity." at bigla niya akong yinakap.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Bzzt.. Bzzt.. - Bibiboy calling. . . Nakita ko sa screen ng phone ko.
"Ha-ahoh sige...sige maiwan na kita." nagmamadali ko siya iniwan at pumunta sa parking. Omg and creepy niya. Sino ba yun?
"Hey Hannah!" tinawag niya pa ako ng tinawag kaso nagmamadali na talaga ako. Omg Mr. Creep Guy.
*
Nakita ko siyang nakasandal sa pintuan ng kotse at nakapamulsa "Bat ngayon ka lang kanina pa kita tinatawagan?" Ayan na. Mainit na naman ang ulo ng mahal na prinsipe.
"Ah eh. Sorry..Thank you pala dito." sabay abot ko sa kanya ng mga libro. Tumango naman siya.
"Did you eat your lunch?" tanong niya.
"Yup."
"What happened to my books?" napayuko ako sa sinabi niya
"Ah ano..kasi.. sorry. May nakabunggo kasi sa akin papunta dito kaya nahulog lahat ng dala ko." nakayukong pa ring sabi ko
Inangat naman niya ang baba ko gamit ang index finger niya "Nasaktan ka ba?"umiling agad ako.
"Sorry Vince..hindi ko naman sinasadya eh.. "
Tiningnan niya yung mga libro niya at nagbuntong hininga. "It's alright. Alam mo naman kung gaano ko pinahahalagahan yung books ko right? Be careful next time okay?" tumango naman ako at nilagay niya yung mga libro niya sa sasakyan