Vincent's Point of View.
Karga-karga ko si Enzo at nakayukom ang isang kamao ko sa nakikita ko.
"Thank you so much Hannah." Sabi niya habang nakayakap kay Hannah. Just wtfff?
"Can I get my girlfriend now?" Tinaasan ko ng kilay yung yumakap kay Hannah.
"M-mama" tawag ni Enzo. I smirked because of an idea.
"M-may anak ka na?" Tanomg ng yumakap kay Hannah.
"Yes we already have a child." I said smirking nakita ko si Hannah na lumaki ang mata at napanganga. Natulala naman ang lalaki na yumakap sa kanya
"Pa-p-pa...M-mama..." Tawag ulit ni Enzo kay Hannah inangat ni Enzo ang dalawa niyang kamay na para bang nagpapabuhat kay Hannah. That's it Enzo kampihan mo ang Papa Vince.
Binigay ko si Enzo kay Hannah at kinuha ang bag niya at inakbayan siya. "Let's go Han."
"Ahh---eh. Bye Callix" psh. Sino ba yun?
Hannah's Point of View
Omg. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Vince. Grabe siya.
"Vince what was that?" Hindi makapaniwalang sabi ko habang nakasakay kami sa sasakyan. Hawak hawak ko si Enzo at nilalaro nito ang basa kong buhok.
"I'm the one who should ask that, what was that Hannah Beatrice?" Ayan na binanggit niya na ang second name ko.
"He's just my---"
"Please tell me he's gay"mahinahong sabi niya.
"Ay--ay--ay" sabi ni Enzo at pumapalakpak.
"No Vincent he's not. An--"
"Later." Pinutol na naman niya ang sasbihin ko.
"Pero Vinc---"
"I said later Hannah, I'm driving" seryoso niyang sabi. Gosh what now?
Sa Max's kami kumain. Umorder siya ng pagkain at iintayin pa daw ito ng 10-15 mins.
Nasa lap ko si Enzo at behave lang siya nakaupo sa akin. Nakita ko naman na tumingin si Vince sa relos niya saka tumingin sa akin.
"Let's talk" bigla siyang tumayo at tiningnan niya ako na para bang sinasabi niyang "follow me"
"Enzo stay to yaya first okay?" Sabi ko. Sabi ni Kuya AC, dapat daw lagi naming ineenglish si Enzo para hindi na siya mahirapan sa school pagpapasok na siya. Kaya ayan. Buti na nga lang alam niya lahat ng primary colors at nakakapagcount na rin siya ng 1-10. Yung alphabet naman hanggang G lang siya pero nakaktuwang isipin na matalino si Enzo kahit 2 yrs old palang siya.
"Aya-ya-ya" sabi niya at pumalakpak at binigay ko ito kay Yaya Puning
Dito kami sa backyard ng Max's napunta. "Now explain to me what I saw earlier. Who the hell is that guy? And why is he freaking hugging you Hannah?" Ayan na galit na siya.
"Kumalma ka nga" sabi ko saby hawak sa magkabilang pisnge.
"Calm Hannah, no I'm freaking out because he's not one your gay friends for Pete's sake!" Frustrated na sabi niya.
"Kalma Vincent Louis" Hinaplos ko na lang yung magkabilang pisnge niya para kumalma siya.
"Fine...explain." Parang natalo ang itsura niya.
"Si Callix Raymundo yun. Apo siya ni Dean Raymundo..."napakunot ang noo niya at inexplain ko yung side ko sa kanya na may sweldo ako at para matulungan ko siya pagpapatayo ng bahay namin.