"Good Afternoon din po." ngumiti ako kay Dean tapos nung tumingin din ako kay Callix ngiting-ngiting siya sa akin. Mr. Creepy Guy talaga siya."I'm sure you've already met my grandson.. Callix" nagulat ako. Apo pala siya ni Dean Raymundo. Kala ko magkaapelyido lang sila kasi uso naman yun pero mali pala ako.
"Y-yes Dean"
"Kaya kita pinatawag dito, dahil gusto kong samahan mo siyang ma-familiarize niya lahat ng facilities ng Univerisity. Gusto niya din sumali sa Drama Club at Volleyball Team. Alam kong matutulungan mo siya and my apo is one of your biggest fan" nagulat naman ako doon kasi kalalaking tao niya. Haha. Kaya pala yinakap niya rin ako kanina.
"Nasabi ko na po kay Stan na gusto po ni Callix na sumali ng Volleyball. Pwede naman po siguro siyang magtry-out sa training namin and sasamahan ko na lang po siya sa auditions niya sa Drama Club at ipapaalam ko na din po kay Christian" magalang na sabi ko
"Okay, that's good to hear...I'll go straight to point. I have huge favor to ask Ms. Dimaculangan. I want you to be my grandsons's school guide." napa-isip naman ako. Ano si Callix? Pre-school student, kaloka! Tumingin naman ako kay Callix na parang nagtataka, he just smile on me.
"Exchange of this is weekly allowance..hanggang sa familiarize lang naman ni Callix yung school at ang Manila.." kumonot ang noo ko. Manila? And sapat na yung allowance ko ngayon hindi na katulad dati na kaylangan kong magtrabaho para lang mataguyod yung pag-aaral ko.
"Look Miss Hannah..kararating lang nila dito. It's been 10 years nung huling apak niya dito sa Manila. Kaya please pumayag ka na"
Kapag pumayag ako, mababawasan yung oras namin ni Vincent at ayokong mangyare yun.
"Dean..may iba pa naman pong estudyante dito..bakit po ako?" Nagmamakawang tanong ko.
"Because my grandson wants you" napabuntong hininga na lang ako.
Tiningnan ko si Callix hawak ang phone niya at busy na busy siya sa pagkalikot nito. "Ano pong mangyayare kapag hindi po ako pumayag?" Tanong ko
Tiningnan niya muna ako sa mata bago magsalita. "You can't play this season" para naman akong pinagsakluban ng langit at lupa.
"Okay fine, pumapayag po ako. Pero sana po maintindihan ng apo niyo kapag hindi ako pwede, hindi talaga ako pwede. May shoots po ako tuwing wala pasok, kaya hindi po talaga ako makakapagcommit" sabay tingin ko kay Callix. Ngumiti naman to ng Mr. Creepy Guy niyang ngiti at tumango ito ng sunod-sunod.
"Thanks Lo." Sabi niya. Grabe to. Abuse of power tong ginagawa nila sa akin.
"Miss Hannah..can I talk to you privately..apo bumalik ka na lang after you changed your clothes" tumango naman si Callix.
"Hannah.. thank you for agreeing. Nadepress na kasi si Callix nung iniwan sila ng Dad niya kaya I can't say no to my apo. He's scared of being rejected. Pagkatapos kasi silang ireject ng anak ko, my son died because of car accident kaya nadepress ng tuluyan si Callix. You will be receiving five thousand weekly in your bank account exchange of this." Bigla naman akong naawa kay Callix pero syempre hindi pa rin mawawala sa isp ko yung natitirang araw namin ni Vince, at inaala ko pa baka magselos siya kay Callix. Pero kung iisipin mo.
Malaki na ang 5000 para sa isang linggo makakatulong na yun sa pagpapagawa ng bahay namin ni Vincent, sabihin nannatin na doon na napupunta lahat ng sweneldo namin ni Vince sa pagmomodel pero mababawasan na yun kasi ako na lang ang nagmomodel sa amin. "Naiintidihan ko po." Sabi ko
"We'll hija, hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo but can you sign this paper of agreement" binasa ko yung kontrata, wala namang nakakaoffend sa kontrata, dapat lagi eh nasa tabi lang lagi daw ako ni Callix hanggat kaylangan niya pa ako. Tumango at ako pinirmahan yun.