Part 16 : Meet The Rock III

7 2 0
                                    


Kinabukasan .

Nakahanda na ako para sa pagkikita kita namin ngayon sa school

masyado akong excited sa mangyayari ngayong araw na ito :D

waaaah :D

" oh iha , 6 palang aalis kana ? " sabi ni manang sakin .

" di pa naman po manang hahaha XD sadyang inagahan ko lang po para naman po di na ako malate :) importante po kasi to para samin manang eh :) "

" mabuti naman at natuto na ang alaga ko . alam mo ba ganyan ganyan din ang ate mo"

napatingin ako kay manang .
dahilan para matigil niya ang sinasabi niya .

" ohh kumain ka na dyan iha aah :) magsasandok lang ako ng baon mo "

"manang ? "

" hmmm ? "

" pano po nangyare na ganto din si ate dati ? "

di niya ko nilingon .

" diba nung mga bata pa kayo ni ate mo madalas syang maunang magising para mag asikaso sayo ? naalala ko lang . "

napatango tango nalang ako sa sinabi ni manang .

parang may iba ?

" aalis na po ako manang "

" oh ? tapos kanang mag almusal .? "

" sa school nalang po ako kakain manang :) kakainin kopo lahat ng luto niyo ."

at hinalikan ko na si manang sa pisngi at lumabas na ako sa bahay .

iba nararamdaman ko eh .

hays !

mabuhay ka good vibes ヽ(´▽`)/ヽ(´▽`)/ヽ(´▽`)/

---

Nandito na ako sa school .
medyo madilim pa dito kaya naupo muna ako sa may tapat ng canteen .

" oh ang aga mo ata ineng ? " sabi nung ale na may ari ng canteen na ito .

" may aasikasuhin po kasi kami nay eh  "

ang saya ng muka niya ng banggitin ko ang nay .
masarap din kasi sa pakiramdam eh .

" tungkol saan ba yan iha ? "

" sathesis ho namin :3 napakahirap nga po eh :3 "

napakamot ito sa ulo niya halatang naguguluhan sa mga pangyayari .

" kaya ayoko ng college eh . hahahaha ang sakit sa ulo , hanga talaga ako sa mga katulad niyong istudyante na nagsisikap talagang makapagtapos , sana ganyan lahat ng kabataan no ? mahirap kasi ang buhay ngayon kapag magsisipag asawa. pero wala naman akong sinasabi na may masama don aah :) kasi may kakilala ako na maagang nagkapamilya perotalagang nagsumikap na makapagtapos at ngayon ay nasa Iraq na sya at isa ng guro ! "

pumalakpak pa sya habang nagkukwento .

" kailangan lang talaga ng sipag at tyaga para makamit lahat ng pangarap . ! dapat abot lang ng abot ! kasi sa oras na nakuha mo na ang pangarap mo eh talagang magtatagumpay ka , basta wag ka lang magmamataas :) "

" tama ho iyon nay , dapat wag susuko ! "

" tama ka dyan ! "

at nag appear pa kami .
hahahaha nakakatuwa naman si nanay .

maya maya lang ay dumating na si ay at rhy .

nagtataka kayo kung bakit kasama na namin si rhy ?

hahahaha

FLASHBACK

hinanap namin si rhy sa kahit saang lugar sa school.
alam kasi namin na nandito lang yon sa loob ng school . 

Nang nakita ko sya sa may library .
nagbabasa ng ilan sa mga report niya .

pinasunod ko na dito sila pau at ay .

ng nakarating na sila dito ay lumapit na kami sa pwesto ni rhy .

nagulat sya ng makita kami .

pero agad napalitan ng pag kairita .

" hi babes" bulong ko sakanya .

" anong ginagawa niyo dito ? " iritang tanong ni rhy sa amin .

" I want to talk to you " diretsong sagot ni pau kay rhy ._.

" wala akong oras "

" kung wala wag ka nalang magsalita ,okay ? pwede makinig ka na lang ? "

di sumagot si rhy dito .

" okay Im sorry for what happen. "

tumingin kami kay pau .
1st time kasi na nagsorry siya sa isa sa amin .

wow lang XD

" anong sabi mo ? " tanong ni rhy .

" tss , bingi ka ba ? "

" kungdi ka sincere pwede naman kayong umalis . "

" okay okay ! I said I'm sorry "

tiningnan ni rhy si pau .

at

" bwahahahahahahahahahaha XD "

" shhhhhhhhhh ! " saway ng librarian samin.

nanlaki ang mata ni pau sa tawa ni rhy .

baliw na ata ang kaibigan ko !

" why are you laughing ?! "

iritang tanong ni pau .

" kasi hahahahahaa XD you said sorry a while ago XD "

" then ? "

" marunong ka naman pala non tapos kailangan ko pang mag emote bago ka mag sorry XD pfffft . "
inirapan sya ni pau .
loko talaga ang dalawa na to .

" mga babes okay na ba kayo ? "

" what do you think ? " si rhy na natatawa pa .

" pssssh ! " si pau .

" okay naman kami aah :) ayoko lang kasing maging masama katulad ng taong yan ! walang puso :-! "

" kaya nga nagsosorry nadiba ? :3 " sabi naman ni pau .

END OF FLASHBACK.

ITUTULOY ...

When You Start ,Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon