Part 44

4 2 0
                                    


Robby

Pagpasok ko ng ospital ay agad akong pumasok sa kwarto ni Ninya , lahat ng mga nasa loob ay natigil sa ginagawa nila dahil sa pagsulpot ko , agad naman akong tumungo at humingi ng pasensya kaya natawa naman sila . Napakamot nalang ako sa ulo . Tiningnan ko ang ginang na palapit sa akin ngayon .

" T-Tita? " hindi makapaniwalang tawag ko sa babaeng kaharap ko ngayon , ngumiti siya sa akin at niyakap ako , gumanti rin naman ako ng yakap . Tiningnan ko sila Lien at mukhang litong lito siya sa nakikita nila . " Long time no see Tita Veron " At ngumiti naman siya sa akin , binati ko din si Tito at tinanguan naman niya ako . " Hindi ko alam na kaibigan mo din pala ang anak ko " napatingin ako kay Tita . Napalunok ako sa sinabi niya , anak niya si Ninya ?! " Nagulat ako na nandito rin si Marcus , akala ko alam niya na anak ko si Ninya , hindi pala , natutuwa ako na may nag-aalaga sa anak ko " Hindi mag sink in sa utak ko ang sinasabi ni Tita , tiningnan ko si Marcus , may lito rin na makikita sa mga mata niya , tumingin siya sa akin kaya naman binalik ko ang tingin ko kay Tita . Nginitian ko siya . Nagkwentuhan lang kami saglit at nagpaalam na muna ako na pupunta sa labas . Sinundan naman ako ni Lien kaya tiningnan niya ako.

" Alam kong puro tanong ang utak mo " panimula ko sakaniya.

" Buti naman alam mo " sabi niya habang nakapameywang pa .

" Maski ako nagulat ng makita ko sila Tito at Tita " sabi ko sakaniya at sinundan ko naman siya na umupo sa gutter, tumabi na rin ako sakaniya . " Si Ynez girlfriend siya ni Marcus , 5 years ago , nabalitaan namin na bumagsak ang eroplano na sinasakyan niya pauwi sa pilipinas , kami ng mga kaibigan ko tinulungan namin si Marcus sa gagawin niyang proposal para kay Ynez pero ganun na lang ang sama ng balita na dumating sa amin . Si mama ang nagbalita sakaniya , dun ko lang nakitang umiyak si Marcus , sobrang sakit sakaniya nun , ramdam na ramdam ko yun " Huminga ako ng malalim . " 5 years , hindi siya nakapag move on , sobrang depress siya , kung may magagawa lang kami para sakaniya ginawa na namin , ang kaso , nilayuan niya kami , pinalayo niya kami sakaniya kaya wala na kaming magawa . Naging cold siya , walang emosyon , walang kaibigan , wala talaga lahat ! " Napatingin ako kay Lien at ngintian niya ako kaya naman tinap ko ang buhok niya .

" Ang hirap pala ng nangyari sakaniya kuya " sabi pa niya sa akin kaya naman napatango ako.

" Pero nung nakilala niya si Ninya o mas tamang sabihin na nung makita niya si Ninya ay nagkaroon na siya ng emosyon , galit , inis , ngiti at sparks sa mata niya "

" seryoso ? " at tumango naman ako sakaniya. " Ibig sabihin may gusto siya kay Ninya? " natawa ako . " Siguro , pero indenial stage palang " napangiwi naman siya sa akin. " ang thunders niyo na may indenial stage pa din kayo ? " lalo akong natawa .

" Anong thunders ? grabe ka naman ! 23 palang ako no ! "

" matanda ka pa din ! " at natawa naman kaming dalawa .

" Pero may kailangan akong sabihin kay Marcus " Tumingin siya sa akin . " Si Ynez ... "

" Aaaaaah !!!!! "

Nagkatinginan kami ni Lien ng may narinig kaming sumigaw . Kaya naman napatayo ako at tumakbo papunta don !

" Kuya ! sasama ako ! " kumapit siya sa braso ko kaya naman napalingon ako sakaniya .

" Huwag na Lien , tumawag ka ng pulis please ? " alanganin naman siyang tumango at tumakbo papasok sa ospital , kaya naman tumakbo na agad ako sa pinanggalingan ng sigaw . Ng maaninag ko kung sino ang mga tao na nandoon ay agad akong nakaramdam ng kaba at galit , kaba para sa dalawang kaibigan ko na ngayon ay nakasalampak sa sahig at galit sa taong may dahilan kung bakit sila nandoon ! May hawak siyang dalawang baril at nakatutok sa dalawa. Ngayon naniniwala na ako , kayang kaya niya na talagang manakit ng tao . Kinasa niya ang baril kaya naman naalerto ako.

" MA ! "

Lakas loob kong sigaw , dahan dahan naman siyang lumingon sa akin at gulat na gulat na inihagis ang baril sa sahig. Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako .

" Robby !Natatakot ako ! " tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin ,tiningnan naman niya ako . " Robby yang dalawang yan ! sinaktan nila ako ! kaya nagawa ko sakanila yan ! Self defense ! "

" Sinungaling ! " sigaw ni Rhy na hirap na hirap . Tiningnan siya ni Mama pero bumalik sa akin ang tingin niya .

" Sila ang sinungaling Robby ! Niligtas ko lang ang sarili ko " lumuluhang sabi niya .

" tama na Ma " gulat na napatitig siya sa mga mata ko. " Ma , tama na ang pagsisinungaling ! " sigaw ko sakaniya. Lumayo siya sa akin at tumawa na parang nababaliw.

" so sila pa ang kinakampihan mo ?! " Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

" Alam ko na ang lahat , si Ynez Buhay siya ! At dahil sayo kaya nagdudusa si Marcus ! Ma naman ! " gulat na tinitigan niya ako. " Pano mo to nagawa saamin Ma ? Lalo na kay Marcus ! Bakit ? Hindi ko inisip na mas masasaktan mo pa kami ng todo ! " sigaw ko pa sakaniya . Sapo niya ang noo niya at nagpalakad lakad . " Gusto kitang pagtanggol dahil mama kita , pero yung mga ginawa mo, hindi ko dapat palampasin " napaupo siya sa damuhan , may mga body guard na lumapit sakaniya pero hindi niya ito pinansin , nakatulala lang siya , sa tingin ko ay inaamin na niya ang mga kasalanan niya . Narinig ko nalang ang serena ng mga pulis , tila nag slow motion ang paglapit ng mga nurse at doctor kila Rhy at Eva , si mama kinuha na siya ng mga pulis . Tiningnan niya ako, at tumungo siya . Masakit pala sa pakiramdam na ang sarili mong ina ang isusuplong mo sa mga pulis. Naramdaman ko nalang na may humawak sa braso ko at tiningnan ko kung sino iyon , si Lien , tiningnan ko siya at niyakap .

Sabay na kami pumunta sa room nila Rhy at Eva , ginagamot na ng Doctor ang mga sugat nila , kaya naman pumunta na kami sa room ni Ninya at laking tuwa namin na gising na siya ! Mabilis na lumapit si lien sakaniya , at tuwang tuwa naman si Ninya na makita kami , tiningnan ko si Marcus at tumingin din siya sa akin at binigyan ako ng ngiti kaya naman tumango ako sakaniya. May problema kami , paano na ang mararamdaman ni Marcus pag nalaman niya na buhay si Ynez? Paano na sila Ninya ? Napabuntong hininga ako.

***
comment , vote and follow :)

When You Start ,Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon