Part 47

9 2 0
                                    


Ninya

kinabahan ako ng sabihin ni Dainne na mag-uusap kami , napabuntong hininga ako ng isa isa silang lumabas ,pakiramdam ko lalabas ang puso ko sa loob loob ko , shemaaaay naman oh ! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito nararamdaman ko?! Kinuha ni Dainne ang stool at doon naupo , tiningnan niya muna ako bago siya nagsalita .

" How are you? " tanong niya sa akin .

" ayos lang naman ako , medyo masakit lang dito " turo ko sa benda ko sa ulo , nagitla ako ng tumayo siya at hawakan ang ulo ko, hindi ko man lang nagawang umilag. Nakatingin lang ako sakaniya habang kinakapa ang noo ko .

" It hurts ? " mabilis akong umiling . Pakiramdam ko hindi ko makurap ang mata ko , nakatitig lang ako sa brown niyang mata , napaiwas naman ako ng tingin ng tumingin siya sa akin . Napamaang ako ng ngitian niya ako . Ano ba ?! Hindi na ako makahinga . Napahinga ako ng maluwag ng umupo ulit siya sa stool . Woooh ! " I'm here to say sorry and thank you " tiningnan ko siya , mukhang seryosong seryoso ang mukha niya . Kaya naman pinilit kong huwag mapangiti . " Sorry for threatening you and make you scared and thank you because you're alive " nangunot naman ang noo ko .

" hindi ka ba nagtatagalog? Kasi yung mga sinasabi mo parang mas magandang pakinggan pag sa tagalog . " napatikom naman ako ng titigan niya ako ng matiim , pero maya maya lang ay ngumiti siya. Napanganga nalang ako.

" really ? " kaya naman tumango ako. Bumuntong hininga siya , mukhang may sasabihin pa siya , hindi ko lang alam kung matutuwa ba ako na pakinggan ko siya. " Me and Ynez are leaving " bigla akong nakaramdam ng sakit ng dibdib. Nawala ang sakit ng ulo ko , sa puso na napunta. Gusto kong maiyak , hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako . " We're going back to Italy , for Ynez's treatment "

" B-bakit ? Anong sakit ni ate ? " naiiyak na tanong ko sakaniya.

" I think , I have no rights to tell you all of this. " nanlumo ako sa sinabi niya , kung ganun nga , malala ang sitwasyon ni ate at kailangan siyang samahan ni Dainne , lalong sumakit yung dibdib ko. " I can't promise that Ynez will be fine there , but I promise that I never leave her... For you " Nablangko ako sa sinabi ni Dainne , para sakin? Ha ? " You better rest now , I have to ---- "

" please stay " pinigilan ko siya sa braso kaya naman napaupo siya . " please stay here , hanggang sa makatulog ulit ako. " Dahan dahan naman siyang tumango at ngumiti sa akin . Hinaplos niya ang mukha ko kaya naman nagwala na naman ang internal organs ko. Maya maya lang ay nakaramdam na ako ng antok .

" Sweet dreams , Princess " at nakaramdam ako ng halik sa noo ko .

---
Robby

" kuya saan tayo pupunta ? " tanong sa akin ni Lien ,nandito kami sa kotse , pupuntahan ko si mama . kahit papaano ay nag-aalala pa rin ako sakaniya .

" kay mama " nanlaki ang mata niya kaya naman agad akong nagsalita . " bibisitahin natin siya . " napangiwi naman siya kaya natawa ako.

" Baka makatakas ang mama mo . " nakangusong sabi niya .

" kung tatakas man siya , edi napatunayan niya lang sa akin na hindi niya na talaga ako minahal bilang anak niya. "

" minsan pag tinitingnan ko si madam , gusto ko siyang yakapin , yung tipong pag sasabog na siya ng sobra dahil sa galit sa akin ang sarap niyang asarin ." natatawang sabi pa niya. " kaso baka nabaril ako kung ginawa ko iyon " nalungkot naman siya pagkasabi non .

" huwag kang mag-alala , nakikita ko naman na minahal ka din niya . " umirap siya sa akin .

" yeah , sa sobrang pagmamahal niya saakin ,nilayo ka niya " malungkot na sabi niya .

" huwag ka ng malungkot , pupuntahan natin siya para damayan at hindi pagalitan " ngumiti naman siya saakin kaya napahinga ako ng maluwang . Nakarating din kami sa police station, pinasadahan ko ng tingin ang station at mukhang hindi maganda ang itsura nito.

" nagtagal ng isang araw si madam dito? " takang tanong naman ni Lien saakin kaya napakibit balikat nalang ako. Dinala kami ng officer sa isang selda , nakita namin si mama na nakasalampak sa sahig at madumi , suot pa rin niya ang damit niya nung huli naming kita ,hindi niya kami napansin , napatingin ako kay Lien at mukhang habag habag siya sa nakikita . Hinawakan ko siya sa kamay kaya naman napaangat ang mukha niya saakin. Ng mapansin kami ni mama ay bigla siyang tumakbo at niyakap ako. Nanlumo ako ng bigla siyang umiyak , hinayaan nalang muna kami ng pulis na mag-usap . Hinaplos ko ang buhok niya at pilit siyang pinapatahan , nakita kong nakatungo si Lien at pinunasan ang luhang pumatak sa mata niya. Hinayaan ko lang na umiyak ng umiyak si mama . Maya maya lang ay inalalayan ko siyang umupo sa tabi ni Lien, nakatungo lang ito at walang imik.

" a-alam ko na madami akong nagawang kasalanan sainyo, lalo na sa'yo Lien " napalakas ang hikbi ni mama ng mabanggit ang pangalan ni Lien .Hinawakan niya ang kamay nito kaya napaangat ang ulo ni Lien dito. " I'm s-sorry " humihikbing sabi ni mama sakaniya , hindi ko na rin napigilan ang luha ko. Habag na habag ako sa itsura niya ngayon , hindi ko akalain na makikita ko siya sa ganitong lagay. " I'm s-so s-sorry Lien " napaiyak lalo si mama ng yakapin siya ni Lien , sa kaloob looban ko ay napakasaya ko dahil nakita ko ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko na magkayakap at nagkapatawaran . Hinaplos ni Lien ang likod ni mama na wala pa ring tigil sa pag-iyak. Si Lien din ay ganuon. " Lahat pagbabayaran ko , kung kailangang nandito lang ako , haharapin ko ,patawarin niyo lang ako. Si khey , si Eva pati na rin yung kaibigan niya na nasaktan ko, gusto kong humingi ng tawad sakanila , kung hindi nila ako mapatawad ngayon ,maghihintay ako . I'm so sorry " Niyakap ko silang dalawa .

" you are forgiven " sabi ni Lien sakaniya , kaya naman lalong naiyak si mama . Hindi ako makapaniwala na kailangan pa palang magkaganito ang buhay namin bago ako makatanggap ng kapatawaran .

" You are forgiven , ma " at niyakap ko sila ng mahigpit.

---
Khey

" anak nakita mo ba ang ate mo ? Wala siya sa kwarto niya ---- "

" Binalik ko na siya ,nay " pagpigil ko sa sasabihin ni nanay . Lumapit naman siya saakin at galit na tumingin sakin. Tiningnan ko naman siya at mabilis siyang umiwas .

" Anong ginawa mo Khey? "

" Ginawa ko lang ang tama , nay " hinawakan niya ako sa braso , tiningnan niya ako kaya naman tiningnan ko rin siya.

" Ginawa mo ang tama ? Binigay mo sakanila ang nag-iisang tao na dahilan kung bakit buo pa rin tayo? " hindi makapaniwalang tanong sakin ni nanay , matiim ko siyang tiningnan.

" Ayun ang tama nay ! " madiing sabi ko sakaniya . Nasapo niya ang noo at dahan dahang umupo sa sofa. " Hindi ko kayang maging masaya kung nagiging sinungaling naman tayo ! Hindi ko kayang ngitian si ate kung alam ko na hindi rin magtatagal na malalaman niya rin na hindi tayo ang tunay niyang pamilya ! Mas gusto ko pang masaktan kaysa angkinin ang hindi atin ! akala niyo ho ba madali lang sa akin ito? Napakahirap po sa akin ang gumawa ng tama ! Dahil maling mali ang maging masaya sa mga maling desisyon " Tinakpan ni nanay ang mukha niya at doon umiyak , pinunasan ko ang luha ko na kanina pa tumutulo . Dahan dahan akong lumapit kay nanay at yumakap dito , niyakap niya din ako ng mahigpit at lalo kaming umiyak .

This is the right thing to do.

*****
comment , vote and follow :)

When You Start ,Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon