Part 45

8 3 1
                                    


Khey

Hindi ko alam kung paano pa ako makikipag usap kay nanay, may sama ako ng loob sakaniya pero sa kabilang banda ay ginawa niya ito para sa amin. Tiningnan ko si nanay na ngayon ay mahimbing na natutulog, katabi niya si ate. Napabuntong hininga ako, hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang tawaging ate , nangunguha kami ng panandaliang kasiyahan na hindi naman dapat saamin. Tiningnan ko ang phone ko ng magvibrate ito.

" Hello " sabi ko .

[ kailangan mong pumunta rito , kasama ang nanay mo at si Ynez. ] sabi ni Robby sa kabilang linya.

" At bakit ko naman gagawin yon ? Gabi na nagpapahinga na sila "

[ si Eva , nabaril siya ]

" Ha ?! " agad akong lumingon kila nanay at tumayo para sa labas makipag usap kay Robby. " Anong nangyari? "

[ Si mama , pumunta siya dito para patayin si Eva , pati si Rhy natamaan ] rinig na rinig ko ang pagbuntong hininga niya,nasapo ko ang noo ko dahil sa narinig.

" Pero bakit kasama si nanay at ate? "

[ nandito ang totoong pamilya ni Ynez , kailangan na nilang malaman ang totoo ] napapikit ako, ito na ba ang katapusan ng pamilya namin?

" sige , sasabihan ko sila " at pinatay na niya ang tawag , napatingin ako sa kwarto na tinutulugan nila ngayon. Bumalik na ako sa loob at nilapitan si ate.Tinapik ko ng mahina ang pisngi niya at nagising naman siya , nginitian ko siya at ganun rin naman siya sa akin . Tumayo siya at tiningnan ako .

" magbihis ka ate , may pupuntahan lang tayo " sabi ko sakaniya , medyo lumaki ang ngiti niya sa akin kaya naman tumango siya at dahan dahan bumaba ng higaan , tiningnan ko si nanay , hindi na dapat niya makita ang pag-alis ng mahal niyang panganay.

Sorry nay.

---

Pau

" sheeeet ! masakit wag mong pisilin ! " sigaw ni Rhy ng pinisil ko ang kaliwang binti niya. " Wooooh ! " humihingal na sabi niya. " papatayin mo ba ako ?! " sabi niya pa kaya naman diniinan ko pa ang hawak ko sa binti niya " aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh !!!!!!!! " nagpagulong gulong pa siya sa kama niya , sinamaan niya ako ng tingin kaya nagkibit balikat nalang ako.

" Ayan ang napapala mo sa pagiging bayani mo, sana sinabi mo nalang na gusto mo ng mamatay ! " sabi ko sakaniya at hinipan hipan naman niya ang sugat niya na akala naman niya ay abot niya. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ayrah at Robby at tiningnan ako na nagtataka kaya nagkibit balikat nalang ako.

" babes ayos ka lang ? " tanong ni Ayrah sakaniya.

" ilayo niyo sakin si Pau ! Papatayin niya ako ! " inismiran ko naman siya , tumabi sa akin si kuya kaya tiningnan niya ako.

" anong ginawa mo at ganyan ang tingin niya sayo? " natatawang tanong ni kuya saakin.

" bayani siya diba ? Dapat matibay ang buto niya, ang hina niya pala " sabi ko sakaniya .

" balak mo lang talaga akong patayin ! " sigaw ni Rhy sakin kaya naman inirapan ko siya.

" Babes kumalma ka nga , ang OA mo eh " sabi ni Ayrah dito kaya naman sinamaan niya ito ng tingin.

" Ikaw kaya ang ihiga ko dito? " sabi pa niya kay Ayrah kaya naman napapeace sign ito sakaniya.

" Kamusta na pala si Eva ? " tanong ko kay kuya .

When You Start ,Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon