Part 5 : oh well .

18 2 0
                                    


SOMEONE'S POV :

sobrang takot ba sya at talagang iniwan niya pa ang cp niya ? ._.
hays .
basag na ang harap nito .

pero natatouch pa .
kaya inislide ko ito para naman makita ko kung talagang sakanya ba ito .
mukang di naman kasi siya pabaya sa gamit eh .

nagulat ako ng wala man lang password ang phone nito .

kung magnanakaw ako talagang ipupush ko na tong ibenta .
pero no !
di ako ganon :) I can buy phones . kahit million pa presyo nito .

I smirk .

" you think you can go home with thinking someone? " pang aasar nito sakin .

di ko sya pinansin at nagtuloy na sa paglalakad.

hahanapin ko tong babaeng to para ibalik ang phone niya . sa ngayon , kailangan ko munang magpaliwanag kay mom kung bakit ako umalis ng walang paalam , lagot ka na naman Robby Kin Montellon .

---

Rhy's Pov :

Di ko na pinansin si pau , ayoko lang kasi talagang makipagtalo kasi alam ko na , mapipikon lang sya .

at di gustong mangyari yon ni ninya .
baka ako pa piliting mag sorry kahit hindi ako ang nagsimula.

Kaibigan nako ni ninya nung elementary . pero di kami bestfriend .
at AYOKO !

Siguro tama na yung magkaibigan kami , close friend :)
pero nung pinakilala niya sakin si pau ,naging OA na to .
piling niya laging galit sakanya si pau , lagi na niyang ginugulo to .
at mas madalas na silang magkasama kaysa sakin .

may mga kaibigan pa kami :) syempre di naman pwedeng kami kami lang ang magkakasama no ._.
baka lalong magkagera.

Di ako inis kay pau .

o sige !
may times na inis ako sakanya :-! ms perfect kasi .

gusto niya yung sinasabi niya ang laging tama ._. although lagi naman talagang tama , pero madalas kasi napupunta lang sa pag kakainitan ng ulo pag nagsasalita sya .

ayaw niya kasing makinig !

palibhasa walang lovelife ._.

phewww !

" aah , babes ako naman ang maglalaro ooh " pag mamakaawa sakin ni ninya .

binigay ko sakanya ang tablet at sya na ang nagtuloy ng laro ko.

" oo nga pala sabi ni joana punta daw tayo sa baby shower niya " Pagbubukas ko ng topic..

" waaaah :D kailan daw ? " si ninya .

" ewan ko . wala pang specific na date , update na lang daw tayo "

" magbabalita di naman kumpleto " biglang sabi ni pau .

napatingin ako sakanya .

"pau aah ! " pag pigil ni ninya .

" what ? " tanong nito .

umirap nalang ako , wala akong time makipagtalo.

" halaaa T.T naalala ko yung thesis natin :'( " sigaw ni ninya .

Ayy oo nga pala !
1 month lang binigay samin na palugit don para matapos namin lahat .
pero kahit isa wala pa kaming topic !

" Kailan daw pasahan ? " tanong ni pau .

" March 1 na babes . " sagot naman ni ninya dito na napapakamot pa ang ulo .

" haaa ?! eh Feb 5 na ngayon aah ! unti nalang yung time natin , diba may interview pa yon ?! " sagot naman ni pau.

" ganto , bukas punta nalang tayo sa school ng maaga ,para makita natin sila ayrah don . baka sakalaing may ideya na sila tungkol sa gusto nilang itopic " pag suggest ni pau .

Napairap ako .

" as if naman na may choice kami . " sagot ko dito .

tumingin sya sakin .
pero wala nakong panahon para tingnan pa sya .
basta ang alam ko , mahabang away na naman to .

Robby's Pov :

Nandito ako ngayon sa sala .
inaantay ko si mom , at ang sermon niya .

alam ko na naman ang pag uusapan namin , business ,business .
walang katapusang business .

di ko nga alam kung may panahon pa ba syang tanungin kung gusto ko to eh .

at kung tanungin man niya ako , wala pa ding kwenta yon :)
because she have plan .
kailangang mangyare ang mga plano niya .

at kapag mali ang nagyayari sa plano niya .
lahat kami malalagot .

but , nasanay na ako :)
kaya nga nagagawa ko nang takasan sya eh .
kasi nakakasakal .

natanong ko nga minsan sa sarili ko .
ginawa lang ba nila ako para maging robot ?

ang sakit aah .

napabuntong hininga ako ng marinig ko na ang boses ni mommy .

mukang galit na galit .

" anong klase ba kayong body guard at nagagawa pa kayong takasan ni robby aah ! " naririnig ko yon , kasi napakalakas ng boses niya. Pinapagalitan si mang ben .

" sorry po madam :( " sagot naman nito.

" hindi napo mauulit " dagdag pa nito .

" DI NA TALAGA MAUULIT , BECAUSE YOU FIRED ! ALIS !" sigaw ni mommy

oh well !
another driver has gone .
ng dahil sakin .

di ako pwedeng mangailam sa desisyon ni mommy . baka lalo pang mapahamak ang pinaalis niya .

Napasandal ako sa pader .
alam ko kasi na ako naman ang haharapin nito .

at handa na ako ..

kailangang handa na ako !


When You Start ,Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon