Part 29

10 2 0
                                    


Khey

" opo madam "

sagot ko sa taong nasa harap ko ngayon .

" alam mo naman siguro ang mangyayari sayo at sa pamilya mo kung sakaling magkamali ka sa mga inuutos ko ! "

napapikit ako dahil sa lakas ng sigaw niya .
Napahawak sa akin si Eva , alam ko na natetense siya sa mga nangyayari .

" at ikaw Eva ! "

Nanlaki ang mata ni Eva ng duruin siya nito .

" po madam ? "

Tinaasan siya nito ng kilay , at sinuri siya mula ulo hanggang paa.

" madam "

sabi nalang ni Eva ng bigyan siya ng isang malutong na sampal .

" wag kang tanga Eva ! di porke't libre ang maging tanga ay aaraw-arawin mo na ! wag kang boba ! "

Nagtataka man si Eva sa sinasabi ni madam ay tinanggap nalang niya ang mga sinasabi nito sakanya .

" sorry madam "

" shut up ! boba ! mga boba ! "

nakatanggap kami ng tig isang sampal mula kay madam .
Masakit , pero kailangang maging matapang kami sa harap nito .

" sa susunod na gagawa kayo ng pagkakamali ! buburahin ko kayo sa mundong to ! "

Bago siya umalis sa harap namin ay nakatanggap pa kami ng tig isa pang sampal .

tsss

Narinig nalang namin ang padabog na pagsarado ng pinto .
Di man ang matandang yon ang nagsarado non , pero alam ko , pati mga alagad nito ay nagagalit .

Malamang , mga sipsip eh !

Nakita kong umupo si Eva , sumunod ako sakanya .

" ang sakit hahaha "

napatingin ako sakanya , hawak hawak nito ang namumulang pisngi .

" gusto mo ba ng kape ? " sabi ko sakanya .

umiling siya .

" baka lalong mag init ang mukha ko , hahaha "

Napailing ako , parang timang talaga ang taong to .

" ano ng plano ? wala na ata yung utak ko sa lakas ng mga sampal non "

Natawa ako .

kahit ako kasi ay nawala na ang utak ko .

" siguro , kailangan muna nating magmatyag "

" lagi naman tayong nagmamatyag ! pero duh ! wala namang nangyayari ! "

" wag ka ngang excited ! gusto ko kasing maglaro . "

tumingin siya ng may halong pagtataka sa akin .

" maglaro ? "

Napangisi ako , alam ko na kung saan ako magsisimula para mailayo ko si Robby kay Pau .

Humanda ka .

***

comment , vote and follow :)

When You Start ,Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon