Part 38

5 2 0
                                    


Robby

Nagpaalam na muna ako kila Rhy para umuwi at kumuha ng ilang gamit , hindi ko na ulit nakita si Marcus sa ospital , siguro umuwi na iyon. Nakita ko na wala sa parking lot ang kotse ko kaya naman nasapo ko ang noo ko , bwisit ang lalaking yon ! Yung kotse ko !!

Nag aalalangan akong bumalik sa loob ng ospital at lumapit kay Rhy , naagaw ko ang lahat ng atensyon ,pati ang mga nurse at doctor na babae ay nakatingin sa akin kaya naman napangiti ako . Lumapit na ako kay Rhy na ikinasimangot naman ng mga nurse . Napailing na lang ako .

" Bakit ? " diretsong tanong ni Rhy sa akin kaya naman napaayos ako ng upo at tumingin sa kaniya at sa mga katabi niya .

" Pwede ko bang hiramin ang kotse mo ? " napanganga naman sila ayrah at eva sa sinabi ko ,kaya naman napakamot ang ulo ko . " pero kung hindi naman --- " inihagis niya sa akin ang susi ng kotse niya at nagsalita siya .

" Itakbo mo na yan , baka bawiin pa ni Ayrah " nanlaki naman ang mata kong napatingin kay Ayrah , ibig sabihin kay Ayrah to ? Nakanguso si Ayrah at tsaka tumango , kaya naman tumayo na ko at lumabas sa ospital na iyon .

---

Lahat ng kasambahay ay nakita kong nasa labas ng gate , tiningnan nila ako ng parang nagulat at hindi ako inaasahan na pupunta rito , eh ? Eh bahay ko kaya to ! Oh-kay sa pamilya ko to :-! .

" M-master " utal na sabi ng isa sa mga kasambahay dito , tiningnan ko ang mga gamit na parang inihagis lang ng kung sino dito ,tumingin ako sakanila at lahat sila ngayon ay nakatungo at ang iba ay naiiyak .

" Anong nangyayari ? " tanong ko sakanila kaya naman napaangat ang mga ulo nila at sabay sabay silang napatingin sa loob ng mansyon , sumunod naman ang mata ko sa direksyon ng tinitingnan nila . Nakita ko si Marcus na nakatayo sa harap ng pinto at nakatingin sa di kalayuan , nakita ko kung sino ang kausap niya .

" Ma ? " mahinang usal ko ng makilala kung sino ang nasa harap ni Marcus . Mukha silang nagtatalo , hindi ko man marinig ang pinag-uusapan nila , alam kong nagtatalo sila dahil parehong galit ang mga mata nila . Tumingin ako sa mga katulong na ngayon ay dinadampot na ang mga gamit nilang nakasalampak sa semento . " Anong nangyari ? Bakit nandito kayo at ang mga gamit niyo ? " napatingin naman sila sa akin .

" Master , pinalayas na po kami ni Madam , hindi po namin alam kung ano ang nagawa namin , pero po ganun nalang po ang galit niya simula nung umuwi si Master Marcus . " naiiyak na sabi ng isa sa mga katulong namin . Napabuntong hininga naman ako . " aalis na po kami , maraming salamat po " at nagbow sila sa akin .

" sandali " Pigil ko sakanila at sabay sabay naman silang lumingon sa akin .

" stay " buong tapang kong sabi sakanila na ikinagulat naman nila , nagtinginan sila sa bawat isa .

" Master hindi po pwede , pinaalis na po kami ni --- "

" ako na ang amo niyo , ako na ang magpapasahod sainyo at ako lang ang susundin niyo " lalo silang nagtaka sa mga sinasabi ko . " Stay, katulad ng sinabi ko , ako na ang amo niyo , kaya manatili kayo rito " Inutusan kong buksan ng guard ang gate kaya naman agad silang pumasok sa gate , sumunod na ako sakanila , at kitang kita ko ang blangkong ekspresyon ni Marcus at galaiting galaiting mukha ni Mama na ngayon ay nakatingin sa mga katulong na pumapasok at tumingin din siya sa akin . Lumapit ako sakaniya , akmang hahalikan ko siya pero nakatanggap ako ng isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi . Nahawakan ko ang pisngi ko at hinimas iyon , nakatingin lang ako sakaniya at naghihintay ako ng isa pang sampal at hindi naman ako nabigo , sinampal niya naman ako ulit sa kaliwang pisngi . Tiningnan ko siya at napangiti ako na lalong kinagalaiti niya .

" How dare you ?! " panimula niya sa akin kaya naman lalo akong napangiti .

" Why are you smiling in this kind of situation ?! You idiot ! Ano bang utak ang meron ka at pinabalik mo pa dito ang mga basura na yon haaa ?! " gigil na gigil na sigaw niya sa akin .

" Ang sarap niyong palayasin ! " sigaw niya muli kaya naman napatingin ako sakaniya . Bigla siyang napaatras ng tingnan ko siya ng matiim .

" bakit ba sobrang galit na galit ka sakin ? O sige , isama na natin si Marcus dito , bakit galit ka samin ni Marcus ? " napalitan ng pagkalito ang mga mata niya , naramdaman ko nalang na lumakad na palayo sa amin si Marcus , kaya naman napatitig ako lalo kay Mama . " Sa tuwing sasampalin mo ako isa lang ang pumapasok na tanong sa utak ko , mahal mo ba talaga ako bilang anak mo ? " napaiwas siya ng tingin sa akin .

" Hindi kayo makasagot sa akin , bakit ? " nakangising tanong ko sakaniya , humakbang siya at tinalikuran niya ako . " Ah one more thing ma " sabi ko kaya napalingon ulit siya sa akin . " I saw your body guards in Jala Jala , and take note , they ruin my vacation " seryosong sabi ko sakaniya , mukhang naalerto siya kaya napataas ang kilay niya .

" what are you trying to say ? " maang maangan niya .

" na ikaw ang nagpadala ng mga lalaking nanakit kila Khey at nanay Lus "

" Ha ! magdahan dahan ka sa mga binibitiwan mong salita mo ! " galit na sabi niya sa akin .

" Hindi ako nambibintang Ma , I am just saying this to you , and also to warned you , excuse me " At tinalikuran ko na siya , hindi ko na siya nilingon pa at pumasok na ako sa loob ng mansyon , nakita ko ang mga katulong na kausap ni Marcus , napansin nila ako kaya naman natigil sila sa pag -uusap , nilingon ako ni Marcus .

" where's my key ? " diretsong tanong ko sakaniya , may kinuha siya sa bulsa niya at inihagis sa akin ang susi ko . Walang sabi sabi ay umakyat na siya sa at nagkulong sa kwarto niya . Bumalik na sa trabaho ang lahat kaya naman umakyat na ako sa kwarto at nag ayos ng gamit . Babalik ako sa ospital at kailangan kong mag stay doon . Kailangan may pumrotekta sa kanila kahit papano , iba pa naman ang utak ni mama . Napabuntong hininga ako .

--

Papunta na ako sa garahe ng mapansin kung paalis ang kotse ni Marcus , saan naman kaya pupunta to ? Kaya naman pumunta na ako sa kotse ko at agad sumunod kay Marcus .
Maya maya lang ay tumigil si Marcus , tiningnan ko ang botique na pinasukan ni Marcus , flowers botique . Napailing nalang ako ng lumabas si Marcus na may hawak na bulaklak at muling pinaandar ang kotse niya .

Maya maya lang ay sabay naming inihinto ni Marcus ang sasakyan namin sa tapat ng ospital kung saan nandoon si Ninya , ibig sabihin kay Ninya ang bulaklak na 'yon ? What the ?! Unbelievable !

***

comment , vote and follow :)

When You Start ,Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon