Part 3 : Bida Bida .

31 3 0
                                    

Ninya's Pov :

Pagkatapos kong tumakbo nang tumakbo ,
maglakad nang maglakad
at kumulo ang dugo !

naisip ko na umuwi nalang muna .
naglakad nako pauwi :) ayoko munang magpasundo.
baka kasi sermunan lang ako ni manong joseph eh :3
iba pa naman yun kung makapagsermon ._.

nilakad ko lang ang park kanina ,kaya makakauwi din ako ng di sumasakay :)
naalala ko dati :)

sa tuwing tatakas kami ni ate para lang makapaglaro sa park na to .
halos atakihin sa puso si mama at papa .

pano ba naman kasi di daw kami nagpaalam .
naglalaro lang naman kami ._.
kapag nahuhuli kami ni manong joseph ayun na ang simula ng kalbaryo namin ni ate XD

dahil sa sermon palang niya bingo na kami !
sabayan pa ng sermon ni mama at papa kasali pa si manang essa :3

kaya nagtutulog tulugan kami ni ate XD
at kapag di umeffective sakanila ang tulog tulugan mode .
papaluin na kami ._.
iyak na kami nang iyak ng ate ko non !
ikaw kaya paluin sa pwet ! ewan ko lang kung matuwa kapa ._.

Pero nakakamiss ang mga araw na yon nalagi kaming napapagalitan :)
simula kasi nung nagkaproblema sila mama at papa sa trabaho , bihira ko na silang makasabay sa pagkain o makita man lang .

hanggang sa yung araw na ,nakita nalang namin ni ate ang mga sarili namin na yakap yakap ang bawat isa , nag iiyakan at ayaw maghiwalay :(

nung nakikita ko na paalis na ang kotseng sinakyan ni ate ay todo takbo ako para humabol .

naramdaman ko nalang na humawak sakin si manong at inuwi ako .
simula non nag iisa nako .
pero naging masaya ako nung dumating ang mga kaibigan ko :)
kaso iba iba naman ang ugali ._. mga di ko maintindihan ._.

sabagay , di naman pare-pareho ang mga tao :)

Minsan natanong ko sila papa kung kamusta na si ate . Pero di naman sila nag abalang sagutin ako .
sabi ni manang sakin , may contact pa daw ang parents niya sa ate niya . huling balita daw manang ay nagkaproblema ito sa paaralang pinasukan .

at simula non di nako nakatanggap ng balita sakanya . Gusto kong magtampo kay ate .
pero para saan pa ? eh sobrang namimiss ko na nga sya magtatampo pa ako !

di ko napansing nasa tapat na pala ako ng bahay :)
pinagmasadan ko ito at talagang walang pinagbago.

ang mga tao lang na nakatira dito ang nagbago .

" dyusko kang bata ka ! " sigaw ni manang sakin ,kaya natauhan ako :3

" anong nangyare sayo ? saan ka ba galing na bata ka ?! basang basa ka ! " nag aalalang tanong ni manang sakin .

napangiti ako .
buti pa sila mas inaalala ako kaysa sa trabaho :)
hayyyy .

" ano di ka ba sasagot na -------" napatigil si manang sa pagsesermon niya ng ikiss ko sya sa pisngi .

nginitian ko ito ,
at naglakad na papasok ng bahay .

nakita ko nalang ito na nagsasarado na ng gate ,napapailing pa ito .

si manang talaga :)

Di pako nakakapasok ng bahay ng may marinig akong tawanan ._.

At pagkapasok ko ..

" bwahahahahahahaha XD " tawa ng bruhang si rhy ._.

anong ginawa niya ?
tinapon niya lang naman sakin yung unan ._.
sapol ako sa muka !

" WAHAHAHAHAHAXD XD " tawa pa ng tawa ang babaeng ito !

dinampot ko ang unan na nahulog sa sahig .
pero bago ko maibato ito sakanya .

sumeryoso ang muka niya .

ehhh ?

" san ka galing ? kanina kapa namin inaantay dito !" halatang galit sya T____T

at bago ako makasagot .
napansin ko ang katabi niya .

o_____O napalunok ako
si PAU !!!

When You Start ,Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon