Must Read :)

17 1 0
                                    


Must Read :)

Author's Pov

-Dainne Side-

[Ito yung part na akala ni Ninya na tinapon ni Dainne ang memory card niya]

" Hey ! " sabi ni Robby kay Dainne na busy sa pag o-operate ng laptop nito . Hindi niya pinansin si robby kaya naman hindi na siya kinulit ng binata . Nangunot ang noo niya ng makita ang picture ni Ninya na may kasamang babae .

" Ynez ? " mahinang usal niya ng siya lang ang makaririnig. Naisip niya na baka magkaibigan ang dalawa. Kaya naman lagi niyang binabantayan si Ninya at minsan ay iniinis ito ,natutuwa naman siya na napipikon ang dalaga sakaniya .

Hindi rin nagtagal ay nahulog ang loob niya sa dalaga , hindi man niya ito maipakita ay alam niya na sa loob niya ay nahulog na siya rito, kaya mas pinili niya na alamin ang mga lakad nito ,hanggang sa malaman niya na mag babakasyon ito sa Jala Jala at sa bahay pa ng yaya ni Ynez kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na sumunod doon, nag bus siya papunta sa Jala Jala dahil ayaw niya na matrack siya ng kinikilalang ina. Hindi niya alam ang gagawin ng makita si Ninya sa kalsada ng nakapikit at mukhang nakangiti kaya naman nagsalita siya at rumihistro naman sa mukha ng dalaga na nagulat siya ng makita siya . Ang ganda niya talaga sa isip ni Dainne . Hanggang sa lumabas sila Robby at mga kaibigan nito at inaaya ng umuwi kaya naman nagsabi siya na samahan siya ni Ninya at nakuha pa niya itong takutin . Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa sinabi niya dahilan para matakot sakaniya ang dalaga.

Natakot din siya ng makitang dadamputin ang mga basag na baso ni Ninya kaya siya nalang ang gumawa. Napag isipan pa siya ng masama ni Robby kaya naman hindi na rin siya nakipagtalo . Hanggang sa kasalukuyan na nalaman niya na si Ynez ay buhay , natutuwa siya na makita ulit ang dating mahal ,pero nalungkot dahil mukhang hindi magiging maganda ang ending nila ni Ninya . Nagpaalam siya kay Ninya ngunit sa hindi magandang paraan , inantay nalang niya si Ynez sa labas ng ospital at hindi na siya nagpaalam pa sa dalaga .

-Italy-

Magkasama silang dalawa ni Ynez habang nagpapagaling ang dalaga , nakilala nila ang psychiatrist nito at alam niya na may something na agad sa dalawa . Nag-usap sila ni Ynez at naramdaman niya na wala na talaga siyang nararamdaman kay Ynez na katulad nuon , special friend nga kung tawagin . At hindi na rin siya nagulat na nagkagustuhan si Mr.Montes at Ynez . Natutuwa siya sa dalawa dahil alam nila na kaya nilang alagaan ang bawat isa.

Araw ng graduation ni Ninya ,napagdesisyunan niyang umuwi , gusto sanang sumama ni Ynez pero hindi siya pinayagan ng Doctor .

-Pilipinas-

Hindi niya maitago ang ngiti at kaba sa mukha niya dahil na rin sa ito ang araw na magkikita sila ulit ni Ninya . Hindi na mawala pa sa isip ang dalaga kaya naman gustong gusto na niya itong makita . Nakarating na siya sa venue ng graduation at nakita niya ang prinsesa ng buhay niya . Kinawayan niya ito pero agad itong hinila ng kaibigan . Nagpasya nalang siya na maupo sa tabi at doon antayin si Ninya . Narinig nalang niya ang hikbi ng dalaga kaya naman napatayo siya , hindi niya inaasahan na tatalikuran siya nito kaya naglabas siya ng dart . Hindi naman niya intensyon na tamaan ang dalaga , agad niyang nilapitan ang dalaga at niyakap ito . Hindi alam ng dalaga na sobrang miss na miss na siya nito kaya naman nakuha pa niyang asarin ang dalaga . Hanggang sa kasalukuyan na naging sila ni Ninya ay hindi pa rin maalis sakaniya na sobrang mahal na mahal niya ang dalaga. May mga panahon na napipikon siya pero pag nilalambing naman siya nito ay nawawala na ang asar nito.

----

[ Ito yung ibang part na hindi masyadong malinaw ,papaliwanag ko lang . ]

Si Nanay Lus , nanay siya ni Khey . Yaya siya ni Ynez at matagal na siyang kilala ni Marcus ,pero si Robby kailan lang niya nakilala si Nanay Lus , yung sa thesis nila Ninya dun nila nakilala si Nanay Lus . May part dun na nagkwento si Nanay Lus kay Robby , naikwento yun ni nanay kasi kilala ni Robby si Marcus . Hindi talaga alam ni nanay lus na kilala ni Robby si Ynez kaya naikwento niya at hindi na rin niya naipakilala si Ynez dahil nga nanduon si Marcus . Gets niyo po ba ?

- Kaya kinuha ni Madam Macey si Ynez dahil gusto niyang hindi maging masaya ang mga parents ni Ninya , diba nga hindi naging masaya si Madam kasi halos lumubog na ang company niya kaya naghiganti rin siya. Pero nagkapatawaran na sila .

- Si Red , isa siya sa mga kaibigan ni Dainne at Robby dati . Baka nagtataka kayo :)

- si Eva at si Khey hindi sila totally magkaibigan , bale naging magkaibigan sila kasi nakilala nila ang mga kaibigan ni Dainne at Robby . In short matagal na silang magkakakilala .

- Nilayo nila Macey , Eva at Khey si Lien kay Robby dahil ang akala ni Madam Macey magiging treath sa relasyon niya sa anak ang dalaga.

Ayan na po lahat ng paliwanag ko :)

salamat po sa mga bumabasa :***

****
comment , vote and follow :)

When You Start ,Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon