Part 35

10 2 0
                                    


Third person's Pov

Nagising siya dahil sa lakas ng tawanan ng mga taong nasa labas .
Hindi niya alam na may bisita pala ang nanay niya .

Dahan dahan siyang bumangon para sana ay lumabas , pero bago pa man siya makalabas ay may pumasok na sa kwarto niya .

Nginitian niya ang nanay niya .
Sinundan niya ng tingin ang paglapag nito ng pagkain sa lamesa .

" magpahinga ka na muna dyan , baka mabinat ka " Sabi nito sakanya . Tumango siya rito .

Masakit pa kasi ang ulo niya dahil sa lagnat .

" May bisita ho pala kayo Nay , kasama niyo po ba ang kapatid ko ? mga kaibigan ho ba niya ang mga iyan ? "

Tumingin sakanya ang Ina at binigyan siya ng isang ngiti .

" Oo , kaibigan niya ang mga iyon , maingay sila kasi may mga hindi pinagkakaunawaan ,alam mo naman ang kapatid mo talagang mainitin ang ulo eh "

Natawa siya sa sinabi ng ina dahil talagang totoo ang sinabi nito .
Pero kahit ganoon ang kapatid ay madalas pa rin silang mag kausap tungkol sa mga pambabaeng usapan .

Nasapo niya ang ulo dahil kumirot na naman ito .
Dali dali siyang pinuntahan ng ina .

" Kumain ka na para makainom ka ng gamot "

At tumango naman siya dito .

Robby's Pov


Hinahanap ko si Nanay Lus kasi wala naman akong makausap kila Lien , ang gusto ko sana tapusin ni Nanay Lus ang pagkukwento sakin ng mga nangyari eh .

" May bisita ho pala kayo Nay , kasama niyo po ba ang kapatid ko ? mga kaibigan ho ba niya ang mga iyan ? "

Napalingon ako sa isang kwarto ng may nagsalita .

Tiningnan ko mula taas hanggang baba ang pinto ng kwartong ito .
Ito ba ang kwarto ni Nanay Lus ?

" Oo , kaibigan niya ang mga iyon , maingay sila kasi may mga hindi pinagkakaunawaan ,alam mo naman ang kapatid mo talagang mainitin ang ulo eh "

Boses nga ni Nanay Lus iyon .
Pero sino ang kausap niya ?

" Kumain ka na para makainom ka ng gamot "

Pagkasabi non ni Nanay Lus ay agad akong lumakad palayo sa pinto .

Nakita kong lumabas ng kwarto si Nanay Lus .
Bigla akong kinabahan .

Pano kung ?
Umiling ako .


kinabukasan

" Sabi ko sayo wag mong pakelaman yan ! " Sigaw ni Khey kay Eva .

" Ano ba yan ! Lahat nalang ayaw mong hawakan ko ! " Pagtatampo naman na sabi ni Eva

" Nagsisisi ako na sinama kita dito ! " Sagot naman niya dito pero imbis na mainis si Eva ay nginitian niya nalang ito .

" Bwisit ! "

" Love you too ! "

" arggggghhh ! " at padabog na umalis si Khey .

Tiningnan ko si Nanay Lus na sinundan ng tingin si Khey .
Pero agad akong nag iwas ng tingin ng napatingin din siya sakin .

May kakaibang nangyayari sa bahay na to ._.

" tara Robby samahan mo kaming mag igib sa poso ! " napalingon ako kay Ninya na tuwang tuwa sa paghila ng kung ano .

" Poso ? "

When You Start ,Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon