Epilogue

9 1 0
                                    

2 years later ...

Ninya

" nasan na ba yung ribbon ? " tanong sakin ni Ayrah kaya naman inabot ko sakaniya at inayos naman niya ang pagkakalagay sa dress niya . " Oh ! Bongga ! Ang ganda ko ! Hahahaha --- Aray !! " reklamo niya ng batukan siya ni Rhy . Sinamaan naman siya ni Ayrah ng tingin .Natawa naman ako.

" Hindi ka pa ba mag-aayos Ninya? " tanong ni Pau saakin . Tumayo ako at lumapit sa malaking salamin " ako na ang maglalagay ng foundation sayo " sabi naman ni Rhy saakin kaya naman napatingin kami sa kaniya. " Bakit ? " takang tanong niya saamin , may hawak pa siyang foam , sabay sabay naman kaming nagtawanan .

" ikaw pa talaga ang gagawa niyan Babes ah ! " natatawang sabi ni Ay sakaniya .

" oh eh ano naman ? kung ayaw mo edi --- "

" oh sige na ikaw na ang maglagay ! " sukong sabi ko sakaniya kaya naman napailing nalang siya saakin .

" nagrereklamo pa eh " natawa naman ako sa sabi niya . Ngayong araw ang pinakahihintay naming pagtatapos , tapos na kami sa college at haharapin na namin ang Bussiness world . Napahinga ako . Kaya naman nangunot ang noo ni Rhy at natigil siya sa ginagawa . " bakit naman parang dehado ka pa ? " natatawang umiling naman ako . " hmmm . may namimiss ka no? " tinaasan ko naman siya ng kilay . " alam mo Ninya , hindi mo naman kailangang itago samin ang nararamdaman mo eh , kasi kahit anong tago mo dyan , lalabas at lalabas yan " sabi pa niya saakin habang tinutuloy ang paglalagay ng foundation sa mukha ko.

" parang utot lang yan eh , hinding hindi mo yan mapipigilan , kusang lalabas yan " sabi naman ni Ayrah .

" mabaho nga lang " natatawang sabi naman ni Pau . Kaya natawa kami .

" ang baho naman ng example niyo " at natawa ulit kami .

" Hello girls ! " sabay sabay kaming napalingon sa tumawag saamin.

" Kuya/ Robby !! " sabay sabay naming tawag sakaniya at tumakbo kami para mayakap siya . " namiss ka namin ! " sabay pa naming sabi . Niyakap niya din kami pabalik . Umalis si Robby , 1 year din siyang nasa france at nagmanage ng bussiness nila doon ng mga pabango , nakalaya na rin ang mama niya after siyang makulong ng 1 year . Pinatawad na rin siya nila Eva , Khey at Rhy . Siguro talagang mababait sila kaya napatawad na rin nila ito . Niyaya naming umupo si Robby habang nag-aayos kami .

Si ate , ang alam ko ayos naman siya , inaalagaan naman daw siya roon . Nalungkot lang ako ,kasi alam ko na hindi siya makakauwi ngayon. Kamusta na kaya siya? Eh si Dainne kaya? Si ate nadiagnosed siya na may bipolar disorder dahil na rin sa mga pinapainom sakaniya dati , may oras na nananakit siya at may oras naman na takot na takot siya , pero balita ko ay may psychiatrist na nakatulong sa paggaling niya . Siguro dahil na rin sa nandoon si Dainne sa tabi niya . Yung araw na kasama ko si Dainne , yun na din ang huling araw na nakita ko siya , kahit nung nagpaalam saakin si ate , hindi ko na rin siya nakita . Kamusta kaya sila?

Tumayo na kami at muling tiningnan ang mga sarili sa salamin, nagpicture picture kami kasama si Robby . At sabay sabay na kaming pumunta sa school. Mabilis na lumapit sa akin sila mama at papa ,hinalikan nila ako sa pisngi , binati rin nila si Ayrah at Pau at ang iba ko pang kaklase na kakilala nila . Nakita ko rin sila Eva at Khey , lumapit naman si Robby kay Khey at binigyan ng halik sa noo , Oo ! tama ang nabasa niyo , si Khey at Robby nagkamabutihan nong mga panahon na stress sila , silang dalawa ang nagtutulungan , nakakatuwa lang kasi hindi ko ineexpect na magiging sila , aso't pusa kasi . Dumating na din ang mga kaibigan nila Robby at binati kami . Si Red lumapit kay Ayrah at binigyan ng bulaklak , kinikilig naman ang loka ! Nakita ko naman na napangiwi si Pau at rhy kaya natawa ako. Bumalik na kami sa mga upuan namin at nagsimula na ang program.

When You Start ,Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon