Part 21 : The Start

15 2 0
                                    


Ninya's Pov :

Naghihintay ako kila pau dito sa veranda ng maramdaman ko na may palapit sakin .

naramdaman ko na lang ang isang malamig na tubig na tumapon sa ulo ko .

hindi pala tumapon .
bumuhos !

tiningnan ko ang taong gumawa nito sa akin .
kilala ko sya , si khey .
this time wala syang kasama .
mag isa lang sya .

lahat ng mata ay nakatingin sa akin .

" ohh ! Im so sorry ! I didn't mean to do that ! " sabi nito sa akin na halatang nilalakasan para makaagaw pa ng maraming atensyon .

" ganon ? wala yan ,ayos lang ako " pinunasan ko ang sarili ko dahil sa sobrang lamig nito .

pero di ko pa napupunasan ang lahat ng basa sa katawan ko ...

" anong ginawa mo ?! " sigaw ko ng ang laptop ko naman ang binuhusan niya .

" Halaaa ! Im sorry talaga . " nakita ko ang pagpigil niya ng tawa sa may likod ko .

tumayo ako at inayos ang laptop ko .
nakakainis ! buti nalang may extrang copy pa kami ng thesis ! kung hindi ay talagang patay na kami T.T back to zero ulit !

paalis na ako ng ...

" wahahahahahahaha "

" grabe ang lampa niya "

" shocks nakakahiya hahahaha "

narinig ko ang mga salitang yan ng masubsob ako sa semento dito sa veranda , pinatid niya ako alam ko .
okay lang naman sakin eh .
kaso nabasag na ang laptop ko .

tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko .
tumingin ako sa kanya ,at ganon din sya sa akin .

" sabi ko naman saiyo mag iingat ka sakin . pasalamat ka yan lang ang natanggap mo ngayong araw . maging aral na yan sayo :) " sabi niya sa akin.

Lumakad na sya palabas ng veranda .
pero bago sya makalabas ng tuluyan ...

" kung ano ang kinaganda mo , ayun naman ang kinapanget ng budhi mo ! di ako natatakot sayo , gusto mo suntukan nalang tayo ano ? "

nagulat ako sa sinabi ko .
sa totoo lang lumabas lang talaga sa bibig ko ang mga katagang yon .
pano kung makipag suntukan nga sya ? o___O

" talagang sinusubukan mo ko ? "

napalunok ako ng lumalapit sya sa akin .
lumapit sya sa mukha ko hanggang sa may tainga ko .

" di lang ikaw ang sasaktan ko , pati mga kaibigan mo damay na , tandaan mo di pa ako tapos , ito palang ang simula . "

at lumayo na sya sa akin .
binigyan niya ako ng isang ngiting demonyo bago niya ko iniwan ng tuluyan .

tiningan ko ang laptop ko na nasa semento ngayon ,dahan dahan kong dinampot ito at chineck .

" kawawa naman sya "

" oo nga katapusan na ng buhay mo na girl ! "

" maganda pa naman sya . "

Napaupo ako dahil sa mga naririnig ko .
hayst .

" ninya ! " si ay .

lumingon ako sa kanila .
muka silang nag aalala .

" ayos ka lang ba ? anong nangyari ? bakit basag ang laptop mo ? " si pau .

ngumiti ako sa kanila .

" ayos lang ako mga babes XD bakit naman ganyan mga tanungan niyo ? " pagkukunwari ko .

" anong nangyari ? bakit ganyan mukha mo ? " tiningnan ko si rhy . muka syang kakain ng tao kapag nagkamali ka ng sagot :3

" nahulog kasi yung laptop ko mga babes :( syempre nag panic ako kaya ayan :3 ang haggard ko "

Parang di naniniwalang umiling si rhy .
napakamot ako sa ulo :(

sasabihin ko ba sakanila ang nangyare ?
pano kung totohanin ng babaeng yon ang banta niya ? :3

napailing ako .
di ko pwedeng sabihin yon sa kanila , malamang mag aaway lahat .

" akin na laptop mo , ako na mag papaayos " si rhy .

at iniabot ko to sa kanya .

Pano na kaya kung malaman nila ang nangyari sakin ngayon ?
WW3 na kaya ? as in WORLD WAR 3 ? :-!

When You Start ,Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon