Part 37

4 2 0
                                    


Rhy

Umiinit ang ulo ko dahil sa mga nangyayari , lahat kami ay tahimik habang sinusundan namin ang kotse ni Robby . Tumingin ako kay Khey , nakatulala siya sa may gilid at ang tingin ay nasa labas ng bintana .

" kasalanan mo to " mahinang usal ko pero sapat na para marinig nilang lahat . Naramdaman ko nalang ang hawak ni Pau sa braso ko kaya nanahimik nalang ako . Agad agad kaming lumabas ng kotse ng lumabas na din sila Robby at Marcus para pumasok sa ospital , may inihandang stretcher ang mga nurse at doctor at madali nilang inasikaso si Ninya . Lumapit ako sa nurse.

" may sugat din ang dalawang kasama namin , pakiasikaso sila " tinuro ko si Nanay Lus at Khey kaya naman agad nitong pinuntahan ang mga ito at inalalayan papasok ng Ward , napansin ko ang pagtingin sa akin ni Khey pero inismiran ko lang siya , agad naman siyang napatungo . Siya ang sinisisi ko sa nangyari kay Ninya . Kung hindi sana siya niligtas ni Ninya , wala kami dito .

Naupo ako sa tabi ni Ayrah at Eva habang si Pau ay palakad lakad halatang kinakabahan . Nasapo ko ang noo ko , nananakit na naman at halatang sumusumpong na naman ang migraine ko , hindi rin maganda ang amoy sa ospital , amoy gamot , chemical at amoy pasyente malamang ospital to eh ! Kaya naman tumayo ako naglakad palabas ng Ospital . Narinig ko ang tawag sa akin ni Ayrah pero hindi ko na siya pinansin pa . Pumunta ako sa gutter at doon naupo , mas presko dito kaysa sa lugar na iyon , hindi ako makahinga doon . Naramdaman ko nalang na may taong naupo din sa tabi ko , tiningnan ko siya kaya naman napakunot ang noo ko .

" wala dapat tayo dito " sabi ni Pau sa akin kaya naman napalingon ako sakaniya . Hindi ko siya sinagot at napabuntong hininga ako .

" siya ang may kasalanan ng lahat ng ito " sabi ko sakaniya kaya naman napaismid niya .

" sa tingin mo ba pinilit niya si Ninya para iligtas siya kaya siya nasa ganoong sitwasyon ? " tanong niya sa akin kaya naman natahimik ako . " Alam natin na kung sino man ang nasa ganoong sitwasyon hinding hindi papayag si Ninya na may masaktan pa , mas ayos sa kaniya na siya ang duguan kaysa makita niya na ang ibang tao ang masaktan " sabi niya pa kaya naman napabuntong hininga ako , naramdaman kong tumingin siya sa akin kaya napalingon din ako sakaniya . " Hindi matutuwa si Ninya kapag nalaman niya na sinisisi mo si Khey kaya siya nagkaganun , baka isipin niya hindi sapat na maging hero siya kaya ganyan ang iniisip mo " natawa naman kami pareho , napabuntong hininga ako bago nagsalita .

" hindi naman kasi dapat siya nagpakabayani eh , tanga talaga siya " naiiling na sabi ko sakaniya .

" kasi nga si Ninya yon , kung ikaw ang nasa sitwasyon niya kanina malamang sa malamang hindi mo matutulungan si Khey ,maski ako baka nga sa sobrang takot ay nahimatay na ako kanina eh , pero dahil si Ninya yon kaya niya nagawang harangan ang bakal at hayaang siya ang masaktan wag lang si Khey " Tama siya , si Ninya yon . Si Ninya na tanga tanga pero hindi natatakot na isakripisyo ang sarili niya .

" Huwag nalang tayong magsisihan , kasi walang mangyayaring maganda kung magbabanatan na naman tayo , hayaan nalang natin na ang Diyos ang gumawa ng way para sa atin " ngumiti ako sakaniya , hindi ko akalain na makakausap ko ng di sumisigaw ang isang 'to . Tama siya , God will make a possible way . Na kahit sino sa amin ay hinding hindi malalaman kung anong way ba iyon .

--

Robby

Nasa tapat ako ng I.C.U para pag labas ng doctor ay makikita niya agad kami . Nilingon ko si Marcus na ngayon ay nakapikit sa may upuan , nakatingala ito at halatang napapalunok pa . Napailing na lang ako , kitang kita ko kung paano niya binugbog ang lalaking iyon kanina . Napapikit ako ng maalala ko ang suot ng mga lalaki kanina , black leather jacket na may tatak na "O" sa tagiliran nito . Ayokong mangbintang pero malakas ang loob ko na may kinalaman dito si Mama . Nakuyom ko ang kamao ko , haharapin ko siya kapag nalaman ko na maayos na si Ninya .

Nagmulat ng mata si Marcus ng mapansin niya na parating sa lugar namin sina Lien at Rhy . Kaya naman lumapit ako sakanila .

" may balita na ba ? " nag-aalalang tanong ni Lien sa akin , bigla siyang nanlumo ng umiling ako sakaniya , napansin ko na nakipagtitigan si Rhy kay Marcus at mukhang napansin din ito ni Pau kaya naman napatingin din siya sa mga ito .

" Thank you " seryosong sabi ni Rhy dito kaya naman napatango si Marcus sakaniya , nilagpasan ako ni Rhy kaya naman sinundan ko siya ng tingin , maya maya ay tumigil siya at nilingon ako " Thankyou " sabi niya sa akin kaya napatango din ako . " Kamusta si Manang Lus at ang anak niya ? " tanong niya pa ng makalapit ako sakaniya , sinisilip niya ang loob ng ICU pero napataas ang kilay niya ng di man lang siya makakita . " Bakit ba pag may mga ganitong eksena eh lagi nalang nagtatago ang mga taong yan ? " Bugnot na sabi ni Rhy .

" Ayos na sila Nanay Lus at Khey , nagamot na din ang mga sugat at galos nila kaya wag ka ng mag-alala " Tiningnan niya ako ng nakataas ang kilay .

" Hindi ako nag -aalala sakanila , si Ninya ang inaalala ko , pag may nangyaring masama sa kaibigan ko , magkakalimutan na tayong lahat " seryosong sabi niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko . Napabuntong hininga ako . " Pero dahil walang may gustong mangyari ang bagay na ito sa atin , hindi ko na iyon gagawin " Napasinghap naman ako ng hangin dahil sa sinabi niya , para akong nabunutan ng tinik . Natigil ang pag-uusap namin ni Rhy ng lumabas na ang doctor , kaya naman lumapit na si Lien kasunod si Marcus sa amin .

" She's stable now , buti nalang hindi masyadong malakas ang paghampas sa kaniya , although nagdugo ang ulo niya dahil sa shock na naramdaman niya pero wala namang natamaang maselang parte . All she need right now is rest " Napahinga naman kami ng maluwang sa aming narinig , kaya naman nagpaalam na ang doctor sa amin at lahat kami ay nakatitig sa pintuan .

" Babes ! " napalingon kami sa sumigaw , siAyrah kasama sina Eva , khey at Nanay Lus mukhang ayos na naman sila .

" kamusta ? Anong sabi ng Doctor ? " tanong ni Ayrah kay Rhy pero hindi siya sinagot nito .

" She's stable , kaya wag na kayong mag -alala " sabi ko sakaniya ,kaya napahinga naman sila ng maluwang . Napansin ko na naglalakad palayo si Marcus , hindi ko na siya natawag dahil hinawakan ako ni Lien .

" Let him go " sabi niya kaya naman napatango ako .

****
comment , vote and follow :)

When You Start ,Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon