Part 18 : Rival .

10 2 0
                                    


Ninya's Pov :

Napapaisip pa ako sa mga nangyayari .
gusto kong makausap si pau ,kaso baka naman di pa sya ready mag kwento .
gusto kong malaman mula sakanya ang lahat ng ito .

Nandito ako ngayon sa kwarto .

Nahagip ng mata ko ang litrato ni ate .
napangiti ako .
napakaganda niya talaga :)

sana lang talaga nandito sya para naman guminhawa ang pakiramdam ko araw araw .

di ko na kasi talaga alam kung nasan si ate .
pati nga sila mama at papa wala na akong balita eh .
sabi nila uuwi daw sila .
pero nganga !

*tok tok tok *

" iha anak ? nandyan ka ba sa loob ? "

" opo manang , sandali lang po "

" bumaba ka na ah ,may naghihintay sayo ! "

ha ?
sino naman ?

binuksan ko ang pinto at nakita ko na pababa na si manang ng hagdan kaya di ko na sya tinawag pa .

sino naman kaya ang naghihintay ?
hmm imposibleng sila pau ,kasi sasabihin naman agad ni manang kung sila eh :3

Bumaba na ako para malaman ko kung sino ang naghihintay sakin .

" anak "

mama ?

papa ?

naramdaman ko na niyakap nila ako .
pero di ako makakilos , parang di mag sink in sa utak ko na nandito sila sa harap ko .

totoo ba ito ?

"ma ? pa ? "

" hahaha anak naman parang di naman kami nakilala agad " si papa .

" ang anak ko talaga " si mama naman to .

niyakap ko silang dalawa .
ibig sabihin ba dito na sila ?
aalagaan na ba nila ako ?

" sobrang namiss tayo ng anak natin ah " si papa .

" dito na po ba kayo pa ? ma ? :D " tuwang tuwa na sabi ko sakanila .

pero napalitan din ng lungkot ng magsalita si papa .

" pasensya na anak, uuwi din kami ng Italy para magtrabaho , umuwi lang kami dito para ipaalam sayo na aalis kami at baka matagalan ng uwi . "

" ganon po ba pa ? "

at tumango sila .
akala ko naman hayst

" oo nga po pala pa , kamusta na po si ate julie? :D "
bigla nalang silang di tumingin sa akin .
bakit ?

" s-si julie ? ahh mabuti naman ang ate mo nak , tsaka kinakamusta ka niya " si mama .

" di sya nakakapagsulat at tawag sayo dahil na rin sa dami ng trabaho niya nak, alam mo naman ang ate mo napakasipag "

tumango at ngumiti ako ng pilit .
sino bang kinukumbinsi nila ?
ako ? o ang mismong sarili nila ?

bakit parang pakiramdam ko , may di magandang nangyayari ?

kailangan kong malaman yon .

kailangan kong malaman ang totoo .

-----

Khey's Pov :

" ano ng balak mo ng muli kayong magkita ni Lien ? akala ko nga di mo na sya nakilala eh " si eva .

uminom ako ng tea bago sumagot sakanya .

" oo nung una talagang di ko sya nakilala , na sya pala ang yakap ni robby nung mga panahong kakasimula pa lang natin , malay ko ba na nakasalamin na pala yon "

umirap ako pagkasabi ko non .

natawa si eva sa reaksyon ko .
psssh

" oo nga pala , balita ko humingi ng tulong si robby kay dainne ah . "

tiningnan ko sya .
napaka galing talaga nitong makasagap ng mga balita .

" para saan ? "

" about their thesis . "

" hahahahaha oh anong nangyari ? " sabay inom ng tea .

" tinulungan sila . "

" WHAT ?! "

napatayo ako sa narinig ko .
pati ang tea na kanina lang ay iniinom ko ay natapon na sa damit ko .
at napakainit non :3

" magdahan dahan ka naman khey ! "

" tsss ! arghh ! pano nangyaring tinulungan sila non ? ni hindi nga tayo makahingi ng tulong don eh . "

galit na galit kong pinunasan ang damit ko at mga nabasa .

nakakainis !

" di ko din alam khey , kumalma ka na muna "

" pano ako kakalma ? alam naman nating lahat na bawal tulungan sila robby lalo na si Lien diba ?! bakit niya ginawa yon ? "

nakakainis talaga !
dahil sa mga babaeng yon !

lahat sila nakakasira sa mga gagawin ko !

kailangan ko ng tapusin ito !

When You Start ,Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon