Part 39

7 2 0
                                    


Robby

Napapailing na lang ako habang palapit sa kotse ni Marcus , nagulat naman siya ng kinatok ko ang kotse niya kaya lumabas na din siya dito .

" Para kay Ninya ? " tinuro ko ang bulaklak at tumango naman siya . Nauna na siyang lumakad papasok ng ospital at hindi na naman magkandaumayaw ang mga nurse at doctor ng pumasok kami ni Marcus . Tss . Ayoko ng masyadong atensyon na binibigay nila kaya naman nanguna na ako . Nakita ko sina Eva na nasa bleacher na nakaupo ,agad naman silang napatayo ng makita kami , si Pau ay lumapit sa akin .

" Kuya , hindi pa alam ng parents to ni Ninya , wala akong # ni manang eh , samahan mo naman ako pupunta ako sa bahay nila " sabi sa akin ni Lien kaya naman tumango ako sakaniya at nilingon si Marcus ,tumingin naman siya sa akin .

" Ikaw na muna ang bahala dito , Ayrah samahan mo siya sa loob may ibibigay siya kay Ninya " agad naman siyang tumango at sumunod naman sakaniya si Marcus , lumakad na kami ni Lien palabas ng ospital , ganun pa din ang mga reaksyon ng mga nurse pag nakikita ako .

" ang lakas ng karisma mo , parang laway na laway sayo yung mga babae " sarkastikong sabi ni Lien sa akin kaya naman napanguso ako . " Hayaan mo papabakunahan ko ang mga yon para iwas rabbies " natatawang sabi ni Lien sa akin at nauna na siya sa kotse . Tahimik ang byahe namin ni Lien , napalingon ako sa katabi ko at nakita ko na tulog na tulog ito . Napangiti nalang ako ng makita ko na komportable siya sa tabi ko , sinabi naman niya sa akin ang address kaya naman kahit mamaya ko na siya gisingin .

Pau

Naramdaman ko nalang ang mahinang tapik sa akin sa pisngi , minulat ko ang mata ko at nakita ko ang nakangiting si Robby kaya naman agad kong inayos ang sarili ko .

" nandito na tayo " tumango naman ako sakaniya at inayos ang nagulo kong buhok , bumaba si kuya at pinagbuksan ako ng pinto kaya naman bumaba na din ako .

" Ang ganda ng bahay nila ah " sabi ni kuya kaya naman napatango ako .

" tara na ? " yaya ko sakaniya at tumango siya . Kumatok ako sa pinto nila Ninya at bumungad sa amin si Manang Essa at binigyan niya kami ni kuya ng isang magalang na bati at ganun din naman kami sakaniya . Pinapasok niya kami at umupo kami sa sofa , habang busy si kuya na magpalinga linga sa bahay nila Ninya ay bumuntong hininga naman ako para simulan ang sasabihin .

" Manang maupo ho muna kayo , may sasabihin ho sana kami kaya kami nandito ni kuya " nagtataka naman siyang napaupo at nagpapalit palit ng tingin sa amin ni Kuya .

" kuya ? magkapatid kayo iha ? " at tumango naman ako sakaniya . " dyusmiyo ! ang gwapo ng kapatid mo iha ! kaya pala hawig kayo ano ? Nakakatuwa naman " napakamot naman ng ulo si kuya dahil sa sinabi ni manang , nahihiya pa siya sa lagay na iyon ah . Sumeryoso ako at tumingin sila sa akin .

" manang nasa ospital po ngayon si Ninya " napatayo naman si manang dahil sa narinig , kaya naman hinawakan siya ni kuya para paupuin ulit .

" anong nangyari ? kailan pa ? Akala ko ba ay nagbabakasyon kayo ? Bakit nandoon siya ? " sunod sunod na tanong ni Manang sa amin . " dyusko " dagdag niya pa .

" pasensya na po manang , alam niyo naman po ang ugali ni Ninya , handa siyang masaktan wag lang masaktan ang iba , ganun po ang nangyari kaya po siya nasa ospital ngayon " tiningnan naman kami ni Manang na parang hindi niya maintindihan ang sinasabi ko ,magsasalita pa sana ako ng si kuya na ang nagtuloy .

" niligtas niya ho yung kasama namin sa bakasyon , Manang . Ayon po yung anak ng may ari ng tinutuluyan namin doon , hindi naman po namin alam na may mga masasamang tao ang pupunta roon at manggugulo , kaya ho ... imbis na yung kasama namin ang mahampas ng bakal , sinalo niya po at siya ang tinamaan . " sabi ni kuya kaya naman napasapo sa noo si Manang ,napatungo ako . " Nandito ho kami para ipaalam sainyo kung saan siya ngayon , tinatanong din po kasi ng doctor kung nasaan ang parents niya " . tumango tango naman si Manang na mukhang naiintindihan na niya ang sitwasyon . Napabuntong hininga si Manang kaya naman napatingin kami ni kuya sa isa't isa at sabay din kaming napalingon kay Manang .

When You Start ,Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon