Chapter 15 Pinas

9.2K 298 7
                                    

Judah's POV

Alam kong masyadong mabilis ang desisyon kong pakasalan si Vale. But who can blame me? Simula noon, wala na akong may ibang hinangad pa kundi ang mahalin ito. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na lahat gagawin ko upang mahalin din ako nito. Ang tanging hadlang lang sa pagmamahal ko noon pa man kay Vale ay dahil girlfriend ito ni Paul, ang nakababata kong kapatid. I am so glad that Paul is married now. Hindi ko na iisipin pa na magkabalikan sila ni Vale. Kaya sa ngayon na kasal na kami, I intend to spoil her maging masaya lang si Vale. Kahit na alam kong may karapatan akong maangkin siya dahil kasal na kami ay hindi ko ipinilit iyon sa kanya. Alam kong darating ang panahon na maging ready na ito at hindi sa ngayon na medyo may alinlangan pa ito sa pagpapakasal sa akin. I felt it though, hindi naman ako manhid. I just let time take its course. Madalian ko na ngang napa oo ito upang pakasalan ako. Pati ba naman sa pag sex madaliin ko pa rin ito? I just take it slowly when it comes to our relationship as husband and wife. Akin na si Vale at panahon na lang ang hinihintay ko upang mahalin din ako nito. Pero hindi iyon sagabal sa nararamdaman ko. Mas matanda ako ng six years kay Vale kaya ako dapat ang umiintindi dito. Ako dapat ang may mas mahabang pasensiya at maging sandalan nito sa ano mang problema.

Nandito kami ngayon sa airport at sinundo kami ni Mang Tony ang driver namin kasama niya ang dalawang bodyguard na sina Ben at Roland. "Welcome home po Sir Judah!" Masayahing bati nito sa akin. Si Mang Tony ay isa sa mga driver namin at personal driver ko na rin since nag high school ako until now. Parang si Aling Susan din na isa sa mga kasambahay namin at nakatutok lang ito sa pag aasikaso sa mga needs ko. Sabi ni Mommy na pag nag asawa daw ako ay pwede kong dalhin si Mang Tony at Aling Susan kung kailangan ko sila. Ofcourse masaya ako at hindi ko na problemahin ang paghanap ng makakasama sa bahay.

"Mang Tony, Ben at Roland si Vale pala, asawa ko." Nakita ko sa mukha nila ang laking pagkagulat. Lalo na si Mang Tony na matagal ng naninilbihan sa amin.

Binawi naman niya ang pagkagulat at binati nito si Vale. "Kamusta po Mam Vale. Maswerte po kayo kay Sir Judah. Mabait, maalaga at mapagmahal ito." Sabi nito kay Vale. "Para ko na ring anak ito." Dagdag pa niya.

"Oo nga po Mang Tony. Masaya po ako na ako ang pinili ni Judah." Sagot naman ni Vale na nakangiti.

"Aba! Hindi niyo alam na ako ang pinaka swerte at pumayag pakasal itong babaeng mahal ko." Sabay lapit kay Vale at niyakap ko ito at hinalikan sa noo.

"Eh maswerte kayong dalawa! Masaya po ako sa mga nangyayari ngayon sa buhay niyo Sir Judah. Dahil ang lalaking katulad mo ay bihira na sa mundong ito. Lahat nasa sayo na." Sabi ni Mang Tony.

"Salamat po Mang Tony. Hiling ko lang po ay sana pagsilbihan niyo rin si Vale katulad ng pagsilbi niyo sa akin." Sabi ko naman dito.

Gabi na kaming nakarating ng bahay. Nandoon na rin ang buong pamilya sa sala ng dumating kami. Lumapit kaagad sa akin si Paul. "Welcome home bro." Pagbati nito sa akin tsaka tinapunan ng tingin ang asawa ko. "Kamusta ka na Vale? Welcome back." Bati pa nito kay Vale.

Nakita kong tumingin si Vale kay Paul. "Okay lang ako Paul." Ang tipid nitong sagot.

Nagsalita si Daddy. "Welcome home son and Vale." Pag welcome nila sa amin. Walang may nakakaalam na pinakasalan ko si Vale sa US. Gusto kong sabihin sa kanila ng personal ang naging desisyon ko.

"Halina kayo at ng makakain at maihatid ng driver ng maaga si Vale." Sabi naman ni Mommy. "For sure miss ka na Vale ng parents mo." Dagdag pa ni Mommy.

Alam kong magugulat sila. Pero kailangan kong sabihin sa kanila ang malaking desisyon na nangyari sa buhay ko. Desisyon, na alam kong hindi ko pagsisihan at ito ang simula ng magagandang pangyayari sa buhay ko. "Mom, Dad, everyone, Vale and I are now married." Sabi ko na nagpagulat sa lahat. "We decided to get married in the US and that we love each other. Dito muna kami titira and in few months time, tapos na rin ang pinapagawa kong bahay." Dugtong ko pa.

I could see disappointment in my Mom's eyes. "Judah, you should have waited to come home here in the Philippines before making those big decisions. Ang pag aasawa ay pinagpaplanuhan. We don't expect you of all people to make this drastic move. Hindi ba na girlfriend mo pa rin si Tanya? She called here today and told us that she was out of the country. Instead, she will be here tomorrow." I could see frustration and disappointment in my Mom's face. "In fact, me and your dad had a meet up with Tanya's parents few days ago."

"Son, hindi ka dapat nag desisyon ng ganon kadali. Anyway, wala na kaming may magawa at tapos na yan." Frustrated na hinaing ni Daddy.

I have no choice but to defend the lady that I love so much. "Mom, Dad I love Vale so much and she love me too! I am so sorry at nag desisyon kami ni Vale na magpakasal sa US. We are planning to have the wedding here too. I will be a proud husband to my beautiful bride." Sagot ko pa sa kanila, sabay lapit at akbay kay Vale.

Tahimik lang si Vale. Alam kong kinakabahan ito at malamig ang mga kamay. I hold her hand and whisper in her ear. "Just relax. It's okay honey." Nakita kong tumingin ito sa aking mga mata at napangiti din ito.

"Well Judah. One thing we can assure you. We are only here if you need us." Sabi pa ni Mommy sa akin.

We ate dinner that night but the situation is very awkward between all of us. I understand my parents sentiments but this is my decision and I stand by it.

🌺pls vote for my story. Thanks!

The Runaway Nun (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon