Chapter 11 Civil Wedding

10.5K 389 10
                                    

Judah's POV

I don't know what got over me. Pero ng sinabi sa akin ng mga Ferrer na umalis ng kumbento si Vale at nawawala ito sa US. Hindi ako nagdalawang isip ng inutusan nila akong hanapin ito. Pumayag ako kaagad ng walang pag aalinlangan. Iniwan ko si Tanya ang girlfriend ko ng walang paalam. Busy kaming pareho. Siya sa pag momodel at ngayong araw nga na niyaya kong pakasal si Vale ay tawag naman ng tawag si Tanya. I swear haharapin ko ang problemang isinuot ko pagdating ng Pinas. I don't normally runaway from problems but when it comes to Vale. Lahat gagawin ko. Nawawala ako sa katinuan ko, nakalimutan kong mayroon din akong responsibilidad kay Tanya. Alam kong mali ang padalos dalos na desisyon na pakasalan ko si Vale. Pero iyon lang ang paraan para makapiling ko ang babaing tunay na nagmamay ari ng aking puso.

Vale invited few of her friends and coworker on our wedding celebration. We went to a fancy restaurant after the ceremony. When her friends left us and it was just the two of us inside the car, that's when reality hits us. On my side, I can't believe that finally I married the love of my life, my true love. Dama ko ang alinlangan sa boses ni Vale. "After nito, now what? Don't expect me to be a real wife to you. Just sayin, so you won't expect." Sabi nito in a frustrated tone.

We're both here inside the car. I turned to her and look at her directly in the eyes. "This is my most memorable day. To finally marry you. The woman that I love. Kung ano ang sinabi ko sayo noon ay papaninindigan ko. To give you time, to take it slow. Hindi kita pipilitin. Ang importante mahal kita." Sabi ko sa kanyang puno ng pag iintindi. "I will not force my right as a husband. For me, para kang babasaging krystal. Kailangang pakaiingatan. Kailangang protektahan. Isa lang ang hinihingi ko sayo. Kung hindi mo ako kayang mahalin, respetuhin mo lang ako bilang padre de pamilya." Sabi ko kay Vale while staring at her lovely face.

"Madaling ibigay ang respeto kung yun ang hinihingi mo. Mahirap ipilit ang pagmamahal." Sabi nitong puno ng emosyon ang boses. Alam kong pareho lang kaming dalawa ngayon. Puno ng pag aalinlangan sa desisyong pinasok namin ni Vale. Kung ano ano ang sumasagi sa isipan ko. Matutunan kaya ako nitong mahalin? May pag asa ba na naghihintay sa aming dalawa sa marriage na to? Alam kong umaasa ako na balang araw ay mamahalin din ako ni Vale. Otherwise para ano pa ang rason na pinakasalan ko ito kung hindi ako umasa. Para kay Vale willing akong mag sakripisyo, magtiis at maghintay na balang araw mamahalin din ako nito.

"Gusto kong malaman mo na mahal kita. Kaya ako nandito sa US para hanapin ka. Do you think ang isang CEO na katulad ko ay may oras pa sayo kung hindi ka importante sa puso ko?" Tanong ko sa kanyang puno ng pag iintindi ang boses at puno ng pagmamahal.

Walang may naisagot sa akin si Vale. In fact, tahimik lamang itong nakatingin sa bintana. Nagpatuloy ako. "Don't feel pressured about this marriage. I can always understand if you can't love me back. Let's just start this relationship with friendship first. Kung hindi ito mag progress into something special ay walang pilitan. Just be honest with me and I will give you your freedom." Patuloy ko pang pag explain sa kanya.

Nakita kong lumiwanag ang kaninang malungkot na mukha nito. Tinagilid ang ulong tumingin sa gawi ko. "Thank you Judah! I'm just scared of not loving you back. Salamat na kung dumating ang panahong iyon. Wala akong may iintindihin kundi alam kong maiintindihan mo ako." Sabi nitong nakatingin pa rin sa mga mata ko. "I will try to give this marriage a shot. I just don't like being pressured. Mahirap turuan ang puso."

"There's nothing to worry about if this doesn't work. I am man enough to be true to my words. Masasaktan ako saglit but what can I do? In the first place alam ko kung anong klaseng sitwasyon ang isinuot ko. I just want us to enjoy this wonderful opportunity called marriage." Dagdag ko pang sabi dito sabay hawak sa kanyang mga kamay.

Tumingin si Vale sa kamay kong nakahawak sa kanya. Tsaka itinaas ang ulo upang salubungin ang aking tingin. Ipinatong ang isa pa niyang kamay sa nakahawak kong kamay. "Thank you Judah for your understanding..." Sabi nitong puno ng emosyon ang boses.

"No worries! Come on. Let's pick up your things. Let us get around San Francisco for a day. Then, we need to fly back to Manila the next day. Sorry, at nag asawa ka kasi ng businessman. The good thing is, I know how to balance business with pleasure." Sabay ko pang tawa inorder to give us a light atmosphere.

Nakita kong ngumiti din ito. "Uwi tayo agad agad? Hindi ba pwedeng mag stay tayo dito sandali? I still need to explore the city." Sabi naman ni Vale na parang bata.

"Next time sweetie. Hindi ko kasi naayos ang kailangan kong ayusin sa kompanya at biglaan ang alis ko ng malaman kong nawawala ka. We can always fly back in here. Next week, I will be in Europe baka gusto mong sumama." Sabi ko sa kanya, sabay yaya dito.

"We travelled there before with my parents. But sure! Gusto kong sumama. It's an interesting place to visit. Somewhat romantic. Don't you think?" Tanong nito sa aking napabungisngis. She's so charming and adorable. I can't help myself from falling in love with her.

"Yeah, I agree. I have never brought any woman in Europe but I have met lots of women there. It's just the idea of romance that's why I hooked up with them." Sabi ko sa kanya in a serious tone. "I have dreamed that one day, madadala ko ang babaeng pinakamamahal ko doon." Sabi ko pa dito in full honesty. Malaman ni Vale na bilang lalake ay may pangangailangan din ako.

"Hindi ko alam na womanizer ka pala." Dismayadong comment ni Vale.

"Noon yun. I promise you, pipilitin kong maging mapagmahal at totoo para sayo. Gustong malaman mo na mahal kita." Seryoso ko pang turan dito.

🍀🎈keep on liking and voting for my story. Thanks.

The Runaway Nun (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon