Vale's POV
Habang busy si Judah sa pag iimpake at pagliligpit ng mga gamit namin dito sa Paris para umuwi ng Pinas, nakalimutan nitong nakabukas ang laptop niya. I immediately checked on my emails at doon ko nakita ang sunod sunod na mga email sa akin ni Daddy. Alam na nila ang araw at oras ng dating ng eroplano dahil sa mga private investigator nila sa Pinas. I was terrified of going home. Knowing that if I don't go with my parents as soon as we landed at the airport, they threatened to have the authorities picked up Judah. Kaya my Dad told me na kung sasama ako sa kanila ng maluwag ay iaabswelto nila ito na parang walang may nangyari. It was a heavy decision on my part but I need to do it anyway for the sake of Judah. I did it without glancing back at him. Sobrang sakit sa dibdib na makita ko ang lalaking minahal ko na nasasaktan habang paalis ako. I felt like my emotions will explode at that time. Seeing the pain on Judah's eyes is too unbearable for me. I would like to comfort him. Gusto ko itong yakapin ng napakahigpit and whisper in his ear. 'We will be together in the end.' But I really can't, I need to voluntarily be with my Dad. Ang ginawa ko, nagkulong ako sa bedroom ko at doon pinakawalan ang malakas na iyak dahil nasaktan ko ang lalaking pinakamamahal ko. Ang apat na sulok ng bedroom ko ang tanging witness sa mga hagulhol ko. I am brokenhearted, I am torn right now. For sure Judah was hurt with my decision. Mag explain na lang ako sa kanya pag natapos na ang divorce. Ayokong makulong ito at lahat ng ginagawa ko ay para lang naman sa kanya. Hindi ko pwedeng sabihin kay Judah ang mga ito habang nasa Paris pa kami at pag nalaman niya ay hindi na kami makakauwi sa Pinas. Para din ito sa amin. Para mag umpisa kami sa magandang simula na walang may hahadlang. Yung malaman ni Daddy na sa huli kami pa rin ni Judah dahil mahal namin ang isa't isa.
Nangungulila ako kay Judah. I missed him so much. Pero hindi ito ang tamang oras at panahon para kausapin ko ito. I will wait until ma finalize ang divorce. In that way, titigilan na kami ni Daddy at malaya na rin kaming magsasama nito. Alam kong galit pa rin ito sa akin, kaya I will not be surprised kung hindi man lang ako nito kinakamusta or di kaya ay tinatawagan man lang. Sobra sobra akong nangulila sa kanya. Walang oras o araw na hindi ito sumagi sa isipan ko. Sinunod ko ang parents ko na huwag kausapin at layuan na ito. Oo, ginagawa ko ito para sa aming dalawa. Para masunod lang si Daddy at pabayaan na niya kami ni Judah later on. Nakikita nila kung gaano din kalungkot ang naging buhay ko ng maghiwalay kami nito. Pumayat ako at na depressed dahil sa sitwasyon namin. Nang ma finalized na ang divorced, masakit isipin ang mga pangyayari na hindi na kami mag asawa ng lalaking mahal ko. Pero nabuhayan ako ng loob dahil at last makakapag umpisa kami nito. Ako mismo ang lalapit sa kanya. Kung magmakaawa ako ay gagawin ko.
Nandito ako ngayon sa Aragon building kasa kasama ko ang dalawang bodyguard na naghihintay sa labas. Hay salamat, mabuti at okay na kay Judah na mag usap kami. My heart was beating so fast sa pangungulila sa kanya. Nakita ko ito na nakatalikod at nakatingin sa glass window ng building. "Anong kailangan mo? You are the last person I expect to visit me." Usal nito sa baritonong boses na hindi man lang tumingin sa gawi ko. May bahid ng galit ang bawat katagang binibitawan nito.
I was so nervous right now. Knowing that it is I who inflicted his pain. 'Ano ka ba Vale, kaya nga nandito ka para mag paliwanag kay Judah sa totoong rason kung bakit mo ito iniwan.' Untag ko pa sa sarili ko. Hindi pa man ako nakapag salita ay parang tutulo na ang namumuong luha sa aking mga mata. Kasabay na rin ang takot sa magiging reaksiyon nito. "Judah, I'm sorry!" Sabay lakad papunta sa gawi nito and I hugged him from his back. I felt his muscles tensed when I did that. I am so full of longing na mayakap ang lalaking mahal ko. "Patawarin mo ako at nagawa ko lang ang lahat para protektahan ka. Ayokong makulong ka Judah pag hindi ako sumunod kay Daddy." Hindi ko na mapigilan pa ang mga luha ko. I felt Judah removing my arms hugging his waist.
Iniharap ako nito sa kanya. "That is bullshit! Dapat sinabi mo sa akin yan at nang dalawa tayong lumaban. You did not love me in the first place that's why you have all those crooked decisions along with your dad." Galit na na singhal sa akin ni Judah. Makikita sa kanyang mata ang magkahalong galit at sakit. "You made me believed that you loved me. Hindi ka pa ba nakontento at bumalik ka pa habang unti unti ng humihilom ang sugat sa puso ko ng dahil sayo? Hindi pa ba sapat na mag move on na tayo at kalimutan na lang natin ang isa't isa?" Buong emosyon na turan ni Judah. Alam kong labis itong nasaktan at sa tono ng pananalita nito ay mayroon pa rin itong galit sa mga nangyari sa amin.
Humahagulhol na ako na lumapit sa kanya. I hugged him so tight. "Judah, bigyan mo pa ako ng pagkakataon at ng mapatunayan kong mahal kita. Kahit ano gagawin ko para sayo. Please magsimula tayo ulit." Pagmamakaawa ko pa dito. I did not received a hugged back from him. Instead he pushed me away from him.
Nakita ko itong humahap ulit sa glass window. Tahimik kaming dalawa. All I could hear is my heart beating faster. Anticipating Judah's response. "Nang umalis ka sa buhay ko ay wala ka ng babalikan pa na puwang sa puso ko." Sabi nitong biglang nagpatigil sa mundo ko. Parang namatay rin ako ng ilang segundo at napatigil bigla ang tibok ng puso ko ng marinig ang mga katagang yun kay Judah. Pero tumingin ito sa gawi ko at napangisi itong nag iisip. "I just need a fu€k buddy. No strings, no emotional investment. I will just call you whenever I have the urge to bed you. Otherwise, you can leave now kung hindi ka sang ayon sa gusto ko. There's no point for us continuing this conversation." uttered a harshful unemotional Judah.
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
The Runaway Nun (Completed)
Roman d'amourPinadala si Vale ng parents niya sa US para pumasok sa kumbento to be a nun. Samantala isang tao ang labis na nalungkot ng umalis si Vale dahil sa pagmamahal nito sa kanya. Siya ay si Judah na walang ibang hinangad na babae kundi si Vale lamang. Per...